Tagalog news: Mga natatanging Ingat Yaman ng Palawan pinarangalan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis 23 (PIA) — Pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan kamakailan ang mga natatanging Ingat Yaman ng bilang pagkilala sa kasipagan ng mga ito sa pagkolekta ng mga buwis sa kani-kanilang mga munisipyo para sa taong 2016.

Ang limang Outstanding Municipal Treasurers sa Palawan ay pinangunahan ni Ignacio D. Mendenilla ng Bayan ng Coron; pumangalawa dito si Maximo Ardoña ng El Nido; pumangatlo si Renato De Vera ng Culion; pang-apat si Alberto Reyes, Jr. ng Brooke’s Point at pang-lima si Ervin Buitizon ng San Vicente.

Ang pagkilalang ito ay dahil sa kanilang ipisyenteng koleksyon, maagap na pagremit ng pera at pagsumite ng ulat ng kanyang tanggapan sa Tanggapan ng Panlalawigang Ingat-Yaman. Ang parangal ay personal na iginawad ni Bise Gobernador V. Dennis M. Socrates bilang kinatawan ni Gob. Jose Alvarez sa simpleng seremonya na ginanap sa A&A Plaza Hotel, Lungsod ng Puerto Princesa.

Sinaksihan naman ito ni OIC-Regional Director Aida D. Abregana ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF) bilang panauhing pandangal.

Ang aktibidad na ito ay itinataguyod ng Tanggapan ng Panlalawigang Ingat-Yaman alinsunod sa Provincial Resolution 8985 upang kilalanin ang magagaling at nagpakita ng kahusayan at katapatan sa gawain ng ingat-yaman.

Layon din nito na mahikayat ang iba pang municipal treasurer at mga nagbabayad ng buwis na patuloy na suportahan ang koleksyon ng lokal na buwis upang makatulong sa kaunlaran ng lalawigan.

Samantala, kinilala rin ang limang korporasyon na nagpakita ng maayos, maagap at relihiyosong pagbabayad ng buwis sa ari-ariang di-natitinag o real property tax. Nanguna sa listahan ang Seven Seas Resort & Leisure Corporation ng Cuyo; ikalawa ang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) ng Bataraza; ikatlo ang Agumil Philippines, Incorporated ng Brooke’s Point; ika-apat ang Ten Knots Development Corporation (TKDC) ng El Nido; at ikalima ang Ten Knots Philippines Incorporated (TKPI) ng El Nido.

Ang Top 5 Individual Taxpayers ng real property tax sa Palawan ay sina Joseph L. Tan ng Brooke’s Point, bilang may pinakamataas na binayarang buwis. Siya ay sinundan nina Ricardo L. Brito ng Booke’s Point; Eusebio Garcia ng Taytay ; Pablo Tagle ng El Nido; at Tame Distal ng El Nido. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s