Tagalog news: ‘Coastal Cleanup Drive’ isinagawa sa iba’t ibang bayan ng Romblon

ROMBLON, Romblon, Setyembre 21 (PIA) — Ang mga empleyado ng pamahalaang pambayan sa buong lalawigan ng Romblon ay nagsagawa noong nakaraang Biyernes at Sabado ng paglilinis ng mga baybayin at pagtatanim ng bakawan sa mga lugar na sakop ng mga ito.

Layunin ng isinagawang pagkilos na ipakita na seryoso ang pamahalaan na mapanatiling malinis ang mga kapaligiran at dalampasigan pati na rin ang hanging nilalahanghap partikular sa mga pook pasyalan na kadalasang pinupuntahan ng mga tao.

Ito ay naglalayon ding mapaangat ang kamalayan ng bawat tao upang mapangalagaan ang karagatan at hikayatin ang mga mamamayan na iwasang magtapon ng anumang uri ng basura sa mga baybayin.

Nilahukan ito ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Department of Science and Technology, Regional Trial Court, health workers, bantay-dagat, NGOs, mga opisyal ng barangay at 4Ps beneficiaries.

Ang aktibidad na ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Synchronized Cleanup Day batay sa Presidential Proclamation No.244 series of 1993 kung saan ito ay tinaguring “Bayan Ko, Linis Ko”.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s