Sining at kultura ng mga katutubo sa Palawan, dinokumento

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 3 (PIA) — Nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan kamakailan ng pagdu-dokumento ng sining at kultura ng mga katutubo sa Palawan sa pamamagitan ng Lakbay-Kultura.

Ito ay pinangunahan ni Sammy Magbanua, Program Manager ng Culture and Arts Development Office sa pamamagitan ng pagtungo sa iba’t-ibang tribo ng katutubo sa mga munisipyo ng Palawan.

Pangunahing layunin ng lakbay-kultura ay upang mai-dokumento ng maayos ang mga katangi-tanging sayaw at musika ng iba’t-ibang tribo ng katutubo sa Palawan at upang makabuo ng estratehiya na pagyamanin pa ang mga ito at mapreserba para sa mga susunod na salinlahi.

Unang tinungo ng grupo ng Lakbay-Kultura ang Bgy. Cabigaan sa bayan ng Aborlan kung saan matatagpuan ang mga katutubong Tagbanua. Dito ay nai-dokumento nila ang sayaw at awitin ng nasabing katutubo. Ilan sa mga sayaw ng katutubong Tagbanua ay ang kendar, soryano at tugatak na ginagamitan ng mga instrument tulad ng Agong o Gong, Babandil at Gimbal.

Ikalawang tinungo ng grupo ay ang Sitio Tabud, Bgy. Saraza sa bayan ng Brookes Point kung saan naninirahan sa paanan ng Mt. Mantalingahan ang karamihan sa mga Katutubong Palaw’an. Dito ipinamalas ng tribung Palaw’an ang kanilang musika at sayaw na pinatingkad ng paggamit ng mga kakaibang instrumento tulad ng pagang, aruding, beberek, kudyapi, agong, gimbal at babandil. Ang sayaw ng katutubong Palaw’an ay kilala sa tawag na basal.

Ang ikatlong tinungo ng grupo ay ang ay Bgy. Tanabag sa lungsod ng Puerto Princesa kung saan naninirahan ang mga Katutubong Batak. Ginanap ang pagdu-dokumento ng sining at kultura ng mga ito sa Batak Tribal Center noong Hulyo 28. Ipinamalas ng buong liksi ng mga mananayaw na Batak na kinabibilangan ng mga piling kababaihan at kalalakihan ng tribo ay ang kanilang sayaw na kinabibilangan ng: SAAD (war dance), TAREK (pre-planting dance ritual), at LANGKO (post-harvest celebration dance).

Ang ay sa saliw ng mga katutubong musikang-Batak na ginamitan ng mga katutubo ding instrument na Sabagan (suspended wooden instrument) na karaniwang mga babae ang gumagamit sa pagtugtog, Gimbal, at Agong.

Sa paglipas ng mahabang panahon kaakibat ang hamon ng modernisasyon, kahanga-hangang malaman na ang mga tribung matatagpuan sa Palawan na kinabibilangan ng Tagbanua, Palaw’an at Batak, ay napanatili pa rin nila ang kulay at yaman ng kanilang kultura at tradisyunal na uri ng pamumuhay, bagama’t ilan sa kanilang mga tradisyon ay dahan-dahan nang nawawala at may pangamba na ito ay mabura kung hindi maisasalin sa bagong henerasyon.

Ilan sa mga tribo ng mga katutubo sa lalawigan ng Palawan ay ang Tagbanua karamihan ay matatagpuan sa bayan ng Aborlan, Palaw’an sa bayan ng Brooke’s Point, Batak sa lungsod ng Puerto Princesa, Molbog sa bayan ng Balabac, Cuyunon sa bayan ng Cuyo, Agutaynon sa bayan ng Agutaya, Cagayanin sa bayn ng Cagayancillo,

Katuwang ng grupo ng Lakbay-Kultura ang Provincial Information Office at mga Municipal Tourism Office ng bawat munisipyo sa pagdu-dokumento ng sining at kultura ng mga katutubo sa Palawan. (PIO/OCJ/LBR/PIA4B/Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s