Tagalog news: BJMP Puerto Princesa, itinanghal na “City Jail of the Year”

PUERTO PRINCESA, Palawan, September 5 (PIA) — Sa marami nang pagkakataon, muli nanamang nakatanggap ng pagkilala ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Puerto Princesa bilang “City Jail of the Year”.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-14 na anibersaryo ng BJMP Mimaropa na ginanap sa lungsod ng Batangas kamakailan.

Base sa kategorya, maituturing na ang Puerto Princesa City Jail na pinakatahimik at payapa na bilangguan sa buong rehiyon ng Mimaropa.

“Ang naging pamantayan sa award na ito ay dahil sa walang takas at iba pang jail disturbances katulad ng riot, noise barrage”, ani Jail Officer 2 Marlito Anza, BJMP Puerto Princesa information officer.

Naging batayan din ng nakuhang parangal ng city jail ang magandang performance, accomplishments, gayundin ang maayos na pagpapatupad ng mga aktibidad at programa nito.

Samantala, iginawad ang parangal sa pamamagitan ni Puerto Princesa City Jail Warden, J/CInsp. Lino Soriano. Ipinagmalaki ni Anza ang halos magkakasunod na taong nakatatanggap ng ganitong pagkilala ang piitan sa lungsod, dahilan para mas lalo umano nilang pagbutihin ang kanilang sistema sa piitan. “Taon-taon na pong natatanggap ng City Jail ang titulo na ‘yan”, ani pa ni Anza.

Kasunod nito, sa parehong okasyon, tumanggap din ng promosyon ang walong Jail Officers mula sa BJMP Palawan na sina SJO3 Reynold Felipe, SJO1 Consuelo Basaya ng Narra District Jail; SJO1 Joseph Ronald Magallon, JO2 Marlito Anza, JO2 Jordan Caysoen, JO2 Clifford Cortes, JO2 Alvin Gadon at JO2 Edwin Ramirez ng Puerto Princesa City Jail. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

d73033e33a5ff8960987aa1163c7310f

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s