Tagalog news: Provincial Anti-Drug Abuse Council sa Romblon, opisyal nang binuo

ODIONGAN, Romblon Setyembre 5 (PIA) — Opisyal nang binuo ang Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) ng lalawigan ng Romblon sa bisa ng executive order na nilagdaan ni Governor Eduardo Firmalo noong Huwebes.

Batay sa nasabing executive order, ang nasabing konseho ay papangunahan ni Governor Firmalo bilang Chairman habang Vice Chairman naman si Police Senior Superintendent Juan Añonuevo Jr., Provincial Director ng Romblon Provincial Police Office.

Miyembro rin ng binuong konseho ang mga kinatawan mula sa Department of Interior and Local Government, Provincial Health Office, Provincial Information Office, Provincial Prosecutor’s Office, religious leaders, Non-Government Organizations (NGO’s) at mga mamamahayag.

Ang PADAC ang magsu-supervise ng lahat ng gawain ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa bawat bayan sa lalawigan upang makamit ng probinsya ang layunin na gawing zero-crime at drug-free ang lalawigan bago magtapos ang taon.

Sa unang pagpupulong ng konseho ay isa-isang tinukoy ng mga miyembro ang mga maaaring dahilan kung bakit nahihikayat o nasasangkot ang ilang mga taga-Romblon sa paggamit at pagbibenta ng ipinagbabawal na gamot.

Pinag-aaralan din nito kung paano ito nailulusot papasok sa mga pantalan sa lalawigan ng Romblon.

Samantala, sinorpresa ni Governor Firmalo ang lahat ng miyembro na dumalo ng isang random drug test upang masigurong walang bahid sa iligal na droga ang mga ito.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s