Ininspeksyon ni Speaker Lord Allan Velasco ang mga bayan sa Marinduque kahapon matapos na salantahin ng bagyong Quinta.

Sa kanyang social media post, tiniyak ni Speaker Velasco ang pagdating ng assistance sa mga biktima ng bagyo.

Inatasan ni Velasco ang kanyang mga tauhan na  magsagawa ng agarang koordinasyon sa NDRRMC at DSWD para sa mabilisang relief operations.

Samantala, naka-suspinde pa rin ang pasok sa lahat ng public at private offices sa lalawigan, maliban lamang sa mga tanggapan na kinakailangan ang serbisyo. Nananatili pa rin ang malawakang black out sa lalawigan at ang bagsak na komunikasyon ng Smart. Sa bayan ng Torrijos nag landfall ang bagyong Quinta pagkatapos nitong bayuhin ang Kabikulan. (#)