Nagkakaisa ang pamunuan ng Boac LGU, barangay officials at ang Bureau of Fire Protection sa pananatili ng kaayusan, at kalinisan sa sementeryo ngayong Undas bilang pagtalima sa panuntunan na inilabas ng lokal na pamahalaan.

Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Boac na makadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas, pinagtibay  ng Sangguniang Bayan ng Boac ang Resolution No. 2020-143 o ang ‘Resolution Prescribing Guidelines for the Operations of Public and Private Cemeteries in the Municipality of Boac , Marinduque for the Period of October 15, 2020 to November 15, 2020’.

Mahalagang bahagi ng naturang resolusyon ang pagtatalaga ng mga araw at limitasyon sa dami ng mga taong maaring pumasok sa  loob ng sementeryo araw-araw upang makasunod sa physical distancing at maiwasan ang overcrowding habang nasa loob ng sementeryo simula Oktubre 14 hanggang Oktubre 28 at Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 15.  

Samantala sarado naman ang Sementeryo ng Boac simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, 2020. Patuloy na ipatutupad ang health & safety protocols sa bayan ng Boac upang maging maayos at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (RAMJR)