Pinagkalooban kamakailan ng DSWD ng tulong puhunan na halagang P15,000 kada indibiduwal ang  56 na mga kwalipikadong benepisyaryo sa bayan ng Pinamalayan sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ang mga benepisyaryo ay sumailalim sa masusing beripikasyon upang matiyak na sila ay karapat-dapat at tunay na nabibilang sa mga pinaka-nangangailangang pamilya sa komunidad.

Ang naturang halaga na natanggap ng bawat isa ay nakatakdang gamitin para  magsimula ng negosyo tulad ng sari-sari store, buy & sell, rolling store, food vending, hollowblocks making at tailoring shop. (LTC)