Occ. Mindoro Gov. Eduardo Gadiano (kaliwa) at si OCD-RDRRMC Regional Director Ruben Carandang sa naganap na pagpupulong kamakailan. (Photo: PGO OccMindoro)

Nakipagpulong kamakailan ang Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) sa Provincial Task Force upang alamin ang mga hakbang na ipinatupad sa lalawigan laban sa COVID-19.

Sa pangunguna ni RDRRMC Director MGen Ruben Carandang at Governor Eduardo Gadiano, katuwang ang DILG, DOH at PNP, ay tinalakay ang mga programa ng mga lokal na pamahalaan sa probinsya, gayundin ang  implementasyon ng mga batas maging ang mga probisyon ng Bayanihan 2.

Ayon sa mga lider sa lalawigan at iba pang stakeholders ng disaster management, ang naganap na talakayan ay susi upang maunawaan at mapaunlad ang mga nauna nang ipinatupad na pamamaraan at  gawing mas higit na kapakipakinabang ang mga susunod pang hakbang ng probinsya laban sa COVID-19.  (VND/PIA Occidental Mindoro)