Tinanggap ng Marinduque News Network (MNN) ang hamong dulot ng pandemyang COVID-19 sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon-Marinduque sa pagbibigay ng libreng broadcast lesson sa telebisyon.

Ito ay makaraang lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang DepEd at MNN para sa pagsasaayos ng television broadcasting bilang alternatibong paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral upang maiwasan ang face-to-face classes habang umiiral ang pandemya sa bansa.

Inaasahang sisimulan ang TV learning series sa susunod na buwan.

Ang Marinduque News Network ay isang online news website na naka-base sa bayan ng Boac. Ito ang kasalukuyang namamahala sa mga programang ipinalalabas sa Lucky 7 Cable Channel 3. (RAMJR)