Dumating na sa Alcantara, Romblon ang dalawang bagong Ambulansya o Emergency Transport Vehicle kamakailan.

Ito ay binili gamit ang pondo ng lokal na pamahalaan mula sa 2020 realigned supplemental budget mula sa Annual Development Fund (ADF) at sa PhilHealth Capitatation Fund ng bayan.

Ayon kay Mayor Riza Pamorada, mahalaga umano ang nasabing ambulansya sa panahon ngayon para mas madali nila madala ang mga pasyente sa mga ospital na matatagpuan pa sa bayan ng Looc at Odiongan.

Malaking tulong rin umano ito sa pagtransport ng mga Covid-19 patient kung sakaling magkaroon sa kanilang bayan. (PJF/PIA Romblon)