Photo grabbed from FB account of Tamarraw Conservation Program

Kinumpirma ni Tamaraw Conservation Program (TCP)Coordinator Neil Del Mundo ang pagkamatay na ni Kali. Si Kalibasib o Kali ang nag-iisa nang tamaraw sa Tamaraw Genepool Farm, sa Brgy Manoot, bayan ng Rizal.

Sa edad na 21 taon, si Kali ay may malaking papel sa taunang pagdiriwang ng Tamaraw Month sa mga nagdaang taon, kabilang na ang pagbisita sa naturang farm upang malapitan itong makita. Si Kali, na isinilang at lumaki sa pangangalaga ng TCP sa Genepool Farm, ay taliwas sa karaniwang tamaraw na likas na mailap at mabangis.

Endemic sa isla ng Mindoro, ang mga tamaraw  ay pinangangambahang malapit nang maubos at batay sa pinakahuling bilang ng DENR – TCP, kulang sa 500 piraso na lamang ang matatagpuan sa Mt. Iglit-Baco National Park, kung saan nakatira ang pinakamaraming bilang ng mga Tamaraw. Ayon kay Del Mundo, kasalukuyang isinasaayos ng kanilang tanggapan ang pagpe- preserba kay Kali. (VND)