Pormal nang isinagawa ang groundbreaking ceremony ng kalsadang tatahak mula Barangay Panggulayan – Barangay Anoling- Barangay Buli sa bayan ng Pinamalayan.

Ang nasabing proyekto na tinatayang nasa lampas dalawang kilometro ay nagkakahalaga ng P40M na nagmula sa pamahalaang nasyunal sa kahilingan ni 2nd district Cong. Alfonso Umali.

Ito ay malaking tulong sa mga mamamayan na mapabilis ang paglalabas ng mga produktong agrikultural mula sa lugar. Ito din ang kalsadang magdurugtong sa Panggulayan-Cacawan Diversion Road at Pinamalayan-Pola Road via Saging. Naging saksi din sa nasabing gawain sina DPWH District Engr. Annielyn Padullo at mga Bokal ng ikalawang distrito. Ayon kay Mayor Aristeo Baldos, Jr., bago matapos ang taong 2022 ay wala nang kalsadang lubak at sira sa bayan ng Pinamalayan. (LTC)