PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Oktubre 7 (PIA) — Ipinagdiriwang sa Quezon, Palawan ang World Wildlife Week na nagsimula kahapon kung saan ito rin ang araw ng Natural Habitat Protection.

Kaugnay nito ay inilunsad ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pangunguna ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Esperanza B. Caabay ang Painting Exhibit and Competition maging ang Logo Design Contest ng kanilang Municipal Flagship Species.

Ang Tabon Bird na matatagpuan lamang sa Tabon Cave na kinilalang Cradle of Philippine Civilization ang napili ng Quezon, Palawan bilang Municipal Flagship Species.

Isang local artists naman sa Quezon, Palawan ang nag-disenyo ng tropeo para sa mga mananalong kahalok ng dalawang patimpalak. (OCJ/PIA Palawan)