The island town of Cuyo located northeast of Palawan mainland. (Photo: Cuyo LGU)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 30 (PIA) — Muling nakapagtala ng local transmission ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang bayan ng Cuyo, Palawan.

Sa kumpirmasyon ni Mayor Mark delos Reyes, apat na babae ang nag-positibo sa COVID-19, batay sa lumabas na resulta ng swab test sa mga ito.

Nakasalamuha ng apat na bagong kaso ang unang indibiduwal na nahawa sa naitalang local transmission sa nasabing bayan.

Samantala, nagpapatuloy ngayon ang maigting na contact tracing ng mga awtoridad sa iba pang nakasalamuha ng mga bagong pasyente.

Tatlong barangay naman ngayon ang sakop ng contact tracing partikular na ang mga barangay na kinabibilangan ng Tenga-Tenga, Cabigsing, at Bancal. (LBD/PIAMIMAROPA)