Tag Archives: Technical Education and Skills Development Authority

Tagalog news: 2 panukalang-batas, isinusulong ni Congressman Velasco ng Marinduque

BOAC, Marinduque, Enero 3 (PIA) — Iniakda ni Congressman Allan Jay Q. Velasco, kinatawan ng Lone District of Marinduque, ang dalawang panukalang batas kamakailan.

Una na rito ang House Bill No. 6071 na pinamagatang “An Act Providing for the Establishment of TESDA Provincial Training Center, Marinduque and Appropriating Funds Therefore”.

Sa tulong ng MATA Partylist Rep. Tricia Nicole Velasco-Catera, naipasa na ng Committee on Higher and Technical Education ang H.B. Ang No. 6071 noong Disyembre 11, 2017. Sa panukalang ito, kinikilala ang mahalagang kontribusyon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa paghahanda ng Marinduqueños para sa mga oportunidad sa pagtatrabaho, sa lokal at sa ibang bansa. Ilan sa mga kurso ng TESDA na madalas kunin ng mga aplikante na inaalok sa Marinduque ay household service, massage tutorials, electrical installation and maintenance training at baking tutorials.

Ang pangalawang panukala naman ay ang House Bill No. 6038, na pinamagatang “An Act Declaring May 3 of Every Year a Special Nonworking Holiday in the Municipality of Sta. Cruz, Province of Marinduque, in Commemoration of its Founding Anniversary, to be known as Sta. Cruz Day. ”

Dito naman ay isinusulong na maisapabatas para sa pagdiriwang sa Sta. Cruz ang Foundation Day ng kanilang munisipalidad tuwing ika-3 ng Mayo. Aprubado na ito sa ika-tatlong pagbabasa noong Disyembre 4, 2017.

Sa matagumpay na pagpasa nito sa Kapulungan ng mga Kinatawan, umaasa si Velasco na ang “Sta. Cruz Day “ay magkakaroon din ng suporta sa Senado upang mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2018. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Tagalog news: Scholarship program ng TESDA sa Palawan, binuksan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 29 (PIA) — Tatanggap ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lalawigan ng Palawan ng 779 na maaaring mabiyayaan ng scholarship program nito ngayong taon.

Ang nasabing bilang ang siyang tatanggap ng National Certificate (NC) l at ll para sa mga kursong Automotive Servicing, Bartending, Beauty Care, Cookery, Electronics Products Assembly and Servicing, Food and Beverages, Housekeeping, Shielded Metal Arc Welding, Tourism Promotion Services, EPAS, Scaffold Erection at Tile setting.

“Maaring kunin ang mga technical courses na ‘yan sa ilang vocational school dito sa Puerto Princesa, ang iba sa Coron, Aborlan at Brooke’s Point”, ang tinuran ni TESDA Provincial Director Renato Pantaleon sa ‘Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA)’.

Dagdag pa ni Pantaleon, mas marami ang mabibigyan ng pagkakataong makinabang sa programa sa mga taga-munisipyo sapagkat maraming mga eskuwelahang pang-teknikal ang nagbukas ng nasabing mga kurso katuwang ang TESDA.

Samantala, ani Pantaleon, marami ang nagnanais na maging iskolar subalit iilan lamang ang mga eskuwelahan na namumuhunan at nagbubukas para sa programa. Isa aniya sa mga nakikitang kakulangan ay ang mga tauhang magtuturo kung kaya inaasahan ngayong darating na buwan ng Hunyo, mangangalap ang ahensya ng kuwalipikadong tagapagsanay. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Tagalog news: 25 opisyal ng pulis, nagtapos ng ‘English Language Proficiency Training’

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 26 (PIA) – Pormal na nagtapos ng English Language Proficiency (ELP) Training ang 25 Police Officers mula sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyong Mimaropa sa ginanap na Recognition Day sa Oriental Mindoro Provincial Police Office Conference Hall, Camp Efigenio C. Navarro sa Lungsod ng Calapan kamakailan lamang.

Ang mga nagsipagtapos ay sumailalim sa masusing pagsasanay sa Language Skills Institute (LSI) ng Kapitolyo katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sila ay nakabuo ng 100-hour computer program sa pamamagitan ng Dynamic Education (DynEd) Courseware ng LSI.

Sa simpleng seremonya, kinilala at pinagkalooban ng sertipiko ang mga natatanging Police Officer nina Gob. Alfonso V. Umali Jr., LSI Coordinator Olivia Palomaria, LSI Trainor Gloany Norman, Police Superintendent Socrates Faltado at Police Regional Office Mimaropa Deputy Director for Operations Police Senior Superintendent Ferdinand M. Garay.

Ayon kay Gob. Umali, nagpapasalamat siya sa mga naging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan upang itaguyod ang LSI, pangunahin na rito ang TESDA, Department of Education (DepEd), Malampaya Foundation, Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinSCAT) at iba pang mga konsernadong ahensya ng gobyerno.

Ayon naman kay TESDA Provincial Director Asuncion M. Ordoña, dinagdagan ng Pamahalaang Nasyunal ang pondo ng TESDA para sa Oriental Mindoro upang maipagkaloob ang tuluy-tuloy na mga libreng pagsasanay.

Para sa mga nagsipagtapos, malaking tulong sa kanilang propesyon ang pagkakataong tulad nito na magkaroon ng wastong kaalaman sa paggamit ng wikang Ingles, lalo pa’t ang kanilang trabaho ay karaniwang umaagapay sa mga mamamayan at mga turista.

Iniulat naman ni Palomaria ang mga serbisyong naibibigay at naipagkaloob na ng LSI kung saan malaking porsyento nito ang mga propesyunal sa lalawigan na natulungan upang maging epektibo at bihasa sa paggamit at pagsasalita ng wikang Ingles. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

DSWD beneficiaries complete TESDA course

BONGABONG, Oriental Mindoro, March 20 (PIA) – Around 47 partner-beneficiaries in this town completed the Scaffold Erection provided by the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) in partnership with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA Sustainable Livelihood Program (SLP).

Scaffold Erection is a TESDA short course that trains in erecting and dismantling and safely handling scaffolding tools and equipment with National Certificate II. The skills training covered 21 days.

From the said number of graduates, 30 are Pantawid Pamilyang Pilipino Program recipients from barangays Anilao, Dayhagan, Camantigui, and Cawayan.

Moreover, the department has provided a total of Php277, 800.00 for the beneficiaries’ training manuals and assessment fee and starter kits such as hard hats, safety shoes and gloves.

“After the training, they will be provided employment in Metro Manila in partnership with Probaton Oil and Gas Training Center, a private technical–vocational institution that caters high standard quality skills training for construction sector based in Roxas, Oriental Mindoro,” said Florife Dimaala, SLP provincial coordinator.

SLP is a community-based capacity-building program that seeks to improve the socio-economic status of its participants, is implemented using the Community-Driven Enterprise Development approach which enables participants to contribute to production and labor markets by looking at available resources and accessible markets. (DSWD-Mimaropa/PIA-Mimaropa)

Displaced workers in Palawan get assistance from DOLE

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Jan. 30 (PIA) – The Department of Labor and Employment (DOLE) Mimaropa reported here that displaced workers from the mining company in Palawan were given assistance by their agency just recently.

DOLE reported that 1,123 workers, who are previously working in the mining sites in Palawan have been provided cash assistance by DOLE in its Emergency Employment Program and Tulong Alalay Sa Ating Disadvantaged Workers programs.

DOLE said displaced workers worked for 10 days cleaning their community and they were paid P285 per day, the highest applicable minimum rate in the region. This is a form of DOLE Mimaropa’s quick response while displaced or dismissed employees are looking for new employment.

Meanwhile, since DOLE’s battle against end of contract or “ENDO” has started middle of 2016, the agency has been passionate in its stricter implementation of the regulation on job contracting.

Around 124 employees were reported to have been voluntarily regularized by their companies operating in the region while 63 employees became regular due to conduct of Joint Assessment of DOLE Mimareopa.

However, due to the incapacity of some companies to regularize all employees, they resorted to termination of employment and payment of separation pay to affected employees which amounted to a total of P703,721.76.

In this anticipated undesirable situation along with the DOLE’s battle, the department has prepared its immediate response to provide assistance to those whose employment was terminated.

Moreover, aside from the immediate cash assistance, DOLE Mimaropa through a convergence program with the Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) and Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) gave out grants of about P8M for livelihood projects of the displaced workers in Palawan. With this strategy, workers were not left bare-handed as DOLE’s assistance is readily available for them. (LDC/LTC/DOLE/PIA-Mimaropa/Calapan)

Tagalog news: Quarterly allowance ng mga PWD sa Puerto Princesa, ipinamahagi

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis 19 (PIA) — Bilang pinaka-importanteng bahagi ng programa kaugnay ng pagdiriwang ng International Day ng mga Persons with Disability (PWD) sa lungsod ng Puerto Princesa, ipinamahagi na kamakailan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang quarterly allowance ng mga benepisyaryo nito.

Tinuran ni Genaro Manaay, PDAO focal person, nasa halos 4,000 ang mga benepisyaryo sa lungsod na tumanggap ng kanilang insentibo na nagkakahalaga ng Php6,000.

Sa kaniyang pananalita, ipinaliwanag ni Manaay na ang pondo para sa kanilang opisina kasama ang mga natatanggap ng mga miyembrong PWD ay nagmumula sa isang porsiyento ng taunang pondo ng Pamahalaang Panlungsod.

Samantala, nabiyayaan din ng mga pang-agapay na kagamitan tulad ng wheelchair, saklay at baston ang ilang piling may kapansanan.

Ginawaran naman ng Certificates ang 22 mga PWD matapos na sumailalim sa pagsasanay sa computer literacy at reflexology cum quick back massage na inihandog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Naging tampok din sa pagdiriwang ang tagisan ng galing sa pagkanta at pinta kung saan nagpakitang gilas ang mga kabataang PWD ng siyudad.

Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang: Achieving 17 Goals for the Future We Want “Disability Inclusive Sustainable Cities and Communities”. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

pwd-anniv
pwd

Tagalog news: Surrenderees ng Oplan Tokhang sa Calapan sumasailalim sa 30-day rehab

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis. 1 (PIA) – Kasalukuyang sumasailalim sa 30-day out patient rehab ang nasa mahigit 100 surrenderees ng Oplan Tokhang sa lungsod ng Calapan.

Ang rehab program ay sinimulan noong ika-21 ng Nobyembre 2016 at matatapos sa darating na ika-21 ng Disyembre na isinasagawa sa Bishop House, Brgy. San Rafael, Calapan City.

Ayon kay City Health and Sanitation Department Officer Dr. Basilisa Llanto, ang naturang out-patient rehab ay bahagi ng Road to Recovery and Reintegration o R3 Program para sa surrenderees kung saan ay pilot project ito ng Regional Health Office (RHO).

Ito rin ang programang kolaburasyon na nagsimula sa simbahan ang ideya na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Arnan C. Panaligan katuwang ang Calapan City Police Station na pinamumunuan ni Police Superintendent Jonathan P. Paguio, kasama ang RHO at ang RA Fernando Services.

Layunin ng programang ito ang magkaroon ng commitment ang mga drug surrenderee sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Chairman. Isa rin sa magandang hatid ng programa ay makatulong sa mga surrenderee na magkaroon sila ng livelihood na aalalay kapag sila ay tuluyang nakalimot sa masamang bisyo.

Dahil dito, nakahandang bigyan ang mga ito ng pagkakataong kumita sa pamamagitan ng programa mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Samantala, ayon sa ulat ng City Information Office, sa loob ng 30 araw na programang ito ay hindi uuwi ng walang pakinabang ang mga surrenderee sapagkat may iuuwi sila sa kanilang pamilyang sasagip sa kanilang hapag kainan. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)