Tag Archives: Marinduque Police Provincial Office

Tagalog news: Index crime rate sa Marinduque, bumaba

BOAC, Marinduque, Enero 3 (PIA) — Ayon sa Comparative Crime Statistics na inilabas ng Philippine National Police ng Marinduque kamakailan, iniulat na bumaba ang bilang ng krimen na nangyari sa lalawigan makalipas ang isang taon.

Ayon sa Marinduque Police Provincial Office (MPPO), may 15 na bilang na pagbaba sa index crime simula sa Enero – Nobyembre 2017 kumpara sa bilang na naitala noong 2016.

Ayon sa talaan ng MPPO, ang bilang sa index crime na kanilang naitala ay binubuo ng mga sumusunod: murder-3, homicide- 2, physical injuries- 19, rape-22, robbery- 19, theft-25, cattle rustling-0, at carnapping-1 na may kabuohang bilang na 76.

Dagdag pa ng MPPO, bilang pagsuporta sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan ay nagkaroon sila 10 anti-illegal drug operations na kung saan ay 20 ang naaresto at 5.66 gramo ng suspected shabu at 7.2 gramo ng marijuana ang kanilang nakumpiska.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay mayroong bilang na 91 na kriminal ang nahuli ng MPPO.

Mas pinaigting din ng mga kapulisan ang seguridad sa lalawigan noong araw ng kapaskuhan. Ilan sa kanilang mga nagging hakbang ay ang pagtatayo ng police assistance desk (PAD) sa mga pantalan, at pagpapadala ng road safety marshalls (RMS) at public safety forces (PSF) sa mga control areas.

Nagkaroon din sila ng iba’t-ibang operation plans gaya ng OPLAN Sita, OPLAN Bakal, OPLAN Galugad, OPLAN Katok, service of warrant of arrest at service of search warrant. (ADSD/PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

PNP Marinduque, naghahanap ng mga bagong pulis at empleyado

BY: MAYDA N. LAGRAN

BOAC, Marinduque, Mar 19 (PIA) — Magbubukas ng oportunidad ang Philippine National Police (PNP) para sa mga nais maging pulis at empleyado ng ahensiya.

Sa panayam ng PIA Mimaropa Hour kamakailan, inihayag ni Police Inspector Lenima Largo na kailangan ng pamunuan ng Kampo Maximo Abad ng 13,000 katao na maaring sanayin para maging pulis ng lalawigan.

Sa mga interesado, pinayuhan ni Inspector Largo na kumuha ng application form sa kampo o sa mga municipal police station.

Nilinaw ni Largo na tanging ang mga aplikanteng nagtataglay ng tamang kwalipikasyon at eligibility ang makakapag-apply sa kapulisan.

Ang Kampo Colonel Maximo Abad, kung saan nakabase ang Marinduque Police Provincial Office (MPPO), ay matatagpuan sa Barangay Bangbagalon, dito sa Boac.

Ang MPPO ay pinangangasiwaan ni Police Senior Superintendent Edwin Masaganda Capanzana.
Hindi lamang ang magpupulis ang hanap ng pulisya, dahil ayon kay Inspector Largo, tumatanggap din sila ng aplikasyon para sa Non-Uniformed Personnel (NUP). Ang NUP, anya, ang hahawak ng mga trabahong pang-administratibo o pang-tanggapan upang mapalaya ang mga pulis sa mga tungkuling-pang-opisina.

Sa sandaling maalis sa kanilang mga balikat ang trabahong pang-opisina, maitatalaga ang mga pulis na ito sa mga kalsada at barangay.

Sa Marinduque, 250 na pulis ang nagbibigay ng seguridad sa may 227,828 na mamamayan. Dahil dito, ayon kay Marinduque Deputy Provincial Director Gilmer Manguera, kailangang madagdagan ang bilang ng kapulisan sa Marinduque sa pamamagitan ng paglilipat ng trabahong pang-tanggapan sa mga NUP.

Ito, ani Police Senior Superintendent Manguera, ang pagkakataong hinahanap ng mga nakatapos ng pag-aaral, mga propesyunal na walang trabaho at mga may hawak na civil service eligibility.

Para kay Superintendent Manguera, makakatulong ang kanilang recruitment sa pagbawas ng kawalan trabaho sa bansa habang pinananatili ang katahimikan at ang kaayusan sa Marinduque. Maaring matawagan ang kampo sa numerong (042) 745-0187 at (042) 311-72-77. (LBR/LP/MNL/PIA-4B/Marinduque)

New Marinduque PD fetes predecessor, vows good service

BY: MAYDA N. LAGRAN & LYNDON PLANTILLA

BOAC, Marinduque, Dec 02 (PIA) – The new provincial director of the Marinduque Police Provincial Office (Marinduque PPO) pays homage to his predecessor as he formally accepted his latest assignment.

During the change of command ceremony last week at Camp Maximo Abad, Police Superintendent Rogelio Rodriguez Ramos Jr. admitted that he had been inspired to strive harder by the accomplishments and projects of former Police Director Romeo SJ Sta. Ana Jr.

Director Ramos assured that he that the legacy of Director Sta. Ana will be continued in his watch. In his six- month administration, Director Sta. Ana concentrated on improving the PPO’s equipment and held several training for his men. Marinduque PPO was recipient of P790,000 worth of equipment donated by the provincial government.

“This is one of the best unit that I ever…I am very proud that I’ve been assigned in Marinduque,”said Director Sta. Ana. Provincial Administrator Eleuterio Raza was also present during the ceremony representing Governor Carmencita Reyes. (LBR/LP/MNL/PIA4B/Marinduque)