Category Archives: Oriental Mindoro

DOLE Mimaropa awards 2.5-M capital assistance to sectoral groups of Calapan City

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Jan 19 (PIA) – The Department of Labor and Employment (DOLE) Mimaropa region awarded recently P2.5 million as seed capital assistance to identified sectoral groups of the city.

The amount was personally given by DOLE Mimaropa Regional Director Atty. Alvin Villamor through Calapan City Mayor Arnan C. Panaligan, who handed over the financial assistance in a form of check which is intended for the beneficiary organizations.

The city government of Calapan has already identified sectoral groups that are qualified to avail for their livelihood and micro-enterprise projects.

Among the beneficiaries of the financial assistance are the Persons with Disabilities (PWDs)-Calapan City Federation for the establishment of a mini-grocery and school supplies store amounting to P497,200; Calapan City Federation of Rural Improvement Clubs for their food business, P496,250; Bgy. Panggalaan Farmers Association for the establishment of an agricultural farm inputs trading, P498,250; Hanay ng Yumayabong at Umuunlad na Mangingisda (HAYUMA) for the establishment of a Bigasang Bayan, P498,700; Parent Leaders Association for the establishment of a community store amounting to P498,500; among others.

According to Panaligan, the awarded groups are all duly registered and accredited and their project proposals underwent a rigid evaluation for them to qualify in the assistance extended by DOLE. (LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Calapan gov’t regulates use of old passenger tricycles in the city

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Jan. 18 (PIA) – The city government of Calapan is regulating the use of old passenger tricycles to ride in the city effective this month.

City Ordinance No. 9 mandates all drivers/operators of tricycles to use the newly-prescribed standard size of sidecars of their respective passenger tricycles for the convenience of the riding public.

The said ordinance is one of the changes that the city government wants for uniformity, being a business-friendly and booming city and seat of the regional government center of Mimaropa region.

It can be recalled that the city government has intensified its massive information dissemination campaign about the ordinance using radio announcement, social media, public address system and installation of tarpaulin in all strategic areas or vicinities of Calapan.

For the renewal of tricycle franchise, drivers/operators of passenger tricycles will not be able to renew their franchise unless the sidecars of their tricycles are compliant with the current ordinance.

(LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Tagalog news: Job Fair sa OrMin nakapagbigay ng 200 trabahaho

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 18 (PIA) – Umabot sa 200 katao ang nabigyan ng trabaho sa on the spot hiring ng mga kumpanya sa katatapos na Job Fair na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan kamakailan lamang.

Dinagsa ang job fair ng higit kumulang sa 500 mamamayan ng lalawigan na umasang magkaroon ng trabaho. Mula sa 18 mga ahensya na nagbigay ng oportunidad sa mga job seeker, pinakamaraming bilang ng nag-apply sa Toyota Calapan kung saan may mahigit 40 aplikante ang natanggap sa trabaho.

Hired on the spot naman ang lahat ng aplikanteng nag-apply sa EMS Services Phils. Inc. na nasa halos 10 katao habang apat na tanggapan naman ang kumuha sa lahat ng aplikanteng nag-apply sa kanila.

Ilan pa sa pinakamaraming nakuhang empleyado ay ang Eastwest Placement Center Inc., NPK Medical Trading Inc., Channel International Placement Services Corp. at Phoenix (R. King’s Gas Filling Station, Inc.).

Ang nasabing programa ay naisakatuparan ng pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng Education of Employment Services Division/Office of the Governor at ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Oriental Mindoro Provincial Office. (LTC/CPRSD)

Tagalog news: 5 pulis OrMin nahirang na 2017 Outstanding Police Officers

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 15 (PIA) – Limang pulis ang nahirang na pamahalaang panlalawigan bilang 2017 Outstanding Police Officers dahilan sa kanilang ipinakitang kahusayan at sigasig sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Pinangunahan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., kasama sina Bise-Gob. Humerlito A. Dolor, Provincial Police Senior Superintendent Christopher C. Birung ng Philippine National Police (PNP) at mga myembro ng screening committee ang paggawad ng parangal sa mga natatanging pulis na ginanap sa Sangguniang Panlalawigan Board Room kamakailan lamang.

Tumanggap ng plake ng pagkilala at P20,000 cash incentive sina Police Senior Inspector Jeralyn D. Caluza ng Calapan City Police Station, Police Superintendent Rommel V. Briones ng Naujan Muncipal Police Station, Police Senior Inspector Jeromie Z. Vergara ng Baco Municipal Police Station, SPO1 Ramon DV. Demaclid, Jr. ng Pola Municipal Police Station at PO2 Jefferson G. Lolong ng Bansud Municipal Police Station.

Sa halip na mga papeles sa opisina ang kanyang inaasikaso, mas pinili ni Caluza na sumama sa kanyang mga tauhan sa pagbuwag sa mga iligal na pasugalan at sa pag-aresto sa mga wanted na indibidwal at mga lumalabag sa batas. Masigasig din ang ginagawa niyang pag-iikot sa mga paaralan at barangay upang ipaliwanag ang mga pamamaraan para mabawasan ang krimen. Lahat ng mga ito ay nakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Lungsod ng Calapan.

Malawak ang bokabularyo ni Briones kaya magaling siyang magsalita at mahilig magbasa ng mga tula. Ang kahiligan sa tula ay napakinabangan niya sa pag-iisip ng mga isusulat sa billboards bilang paalala sa mga motorista sa mga pampublikong daan ng Naujan. Dahil dito, nabawasan ng 50 porsiyento ang vehicular accidents sa naturang lugar.

Dahil sa masigasig na pagtalima ni Vergara sa kampanya hinggil sa iligal na droga kaya naideklara ang Baco na drug-free municipality. Bukod pa rito, siya at ang kanyang mga tauhan ang responsible sa pagkakahuli ng bumaril diumano kay dating Board Member Wilson A. Viray ng Naujan, tatlong buwan matapos ang krimen.

Matiyaga at mapursigi ang kapuri-puring katangian ni Demaclid kaya napili siya bilang Outstanding Police Officer. Halimbawa nito ay ang matiyaga niyang pagbabantay sa mga sabungan na nagresulta sa pagkakahuli ng isang taong pinaghahahanap ng batas.

Tatak naman ni Lolong ang pagiging mapagpakumbaba na nagmula sa kanyang pananalig sa Diyos, pagmamahal sa kanyang pamilya at sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Nagpapamalas siya ng kakaibang dedikasyon sa kanyang trabaho kahit na marami ng pagkakataon na nalagay sa peligro ang kanyang buhay.

Samantala, sa kanyang mensahe, sinabi ng gobernador na hindi madali ang trabaho ng mga pulis kaya naman dapat lamang na bigyan ng mga ganitong parangal ang mga katangi-tangi nilang ginawa sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Pinaalalahan din ang mga ito ng gobernador na higit pang magsumikap sa paggampan sa kanilang mga tungkulin para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Makakaasa, aniya, ang PNP sa lalawigan na laging nakasuporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa lahat ng kanilang mga programa at proyekto.

Ayon naman kay Birung, hangad niya na dumami pa ang mga katangi-tanging pulis upang tularan ng kanilang mga kasamahan. Bukod sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin, hamon, aniya sa mga pulis ang maging mabubuting tao sapagkat mas mahalaga ang maging mabuti kaysa maging magaling. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

DTI-OrMin intensifies special market monitoring activities

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Jan. 11 (PIA) – The Department of Trade and Industry (DTI)-Oriental Mindoro Provincial Office has intensified its special market monitoring of business establishments all over the province.

According to DTI Provincial Director Arnel Hutalla, the intensified special monitoring activity being undertaken by their department is in line with the implementation of the RA 10963, otherwise known as Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIn) Law in order to prevent unscrupulous manufacturers and retailers from unduly jacking up the prices of basic commodities.

It can be recalled that TRAIn was signed into law by President Rodrigo R. Duterte on December 19, 2017. It is the first among several tax reforms measures that would benefit the marginal sector. Likewise, the TRAIn will have an impact on the take-home pay of Filipinos, prices of goods and services, as well as the spending and consumption patterns of the consumers.

As to date, price monitoring conducted by DTI-OrMin has already reached to more than 80 establishments in the City of Calapan and some areas in the municipalities of Puerto Galera, Naujan, Socorro, Bansud, Roxas and Bongabong. No report from DTI, however, says that businesses in Oriental Mindoro have violations with regard to the implementation of the law as to this writing.

All basic and prime commodities including those of the Department of Agriculture’s fresh pork, beef and chicken and the Department of Energy’s LPG, gasoline, diesel and kerosene shall be subjected to the special price monitoring of the DTI.

Further, Hutalla said any price variance of 10 percent and above shall immediately cause the concerned establishment owners to explain in writing their side. DTI reminds all business establishments to comply with the law to avoid hassles and penalties. (LTC/DTI/PIA-Mimaropa/Calapan)

Tagalog news: 3 senior citizens ng OrMin, pinarangalan sa 9th Ulirang Nakatatanda Awards

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 9 (PIA) – Bilang pagpapahalaga sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga pangunahing mamamayan ng Oriental Mindoro, ginawaran ng pagkilala kamakailan ang tatlong mga nahirang sa 9th Ulirang Nakatatanda Awards na isinagawa sa Tamaraw Hall.

Konsepto ng programa ng pamahalaang lokal ang pagkilala sa kontribusyong naiiambag ng mga pangunahing mamamayan sa kanilang mga pamayanan. Pangunahing layunin nitong mahikayat pa ang mga nakatatanda na maging aktibo sa aspektong panlipunan gayundin ang manatiling produktibong mamamayan.

Nahirang na awardees ang mga sumusunod: sa basic category si Nenita G. Lasac ng Socorro, sa professional category, si Editha M. Semilla ng Gloria, sa government service category, si Maria O. Boo ng Roxas at sa group category naman ay ang Pinamalayan Retired Teachers.

Tumanggap ng plake ng pagkilala at cash incentives ang mga nahirang na pangunahing mamamayan.

Pagpapahalaga at pagkilala sa mga pangunahing mamamayan ang naging mensahe nina Gob. Umali, Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor, OIC-Provincial Administrator Dr. Romeo G. Infantado at Provincial Social Welfare and Development Officer Zarah C. Magboo. (LTC/CPRSD/PIA-Mimaropa/Calapan)

Tagalog news: Mga programa ng DTI, PSA, inihayag

BACO, Oriental Mindoro, Dis. 20 (PIA) – Ipinaliwanag sa mga lokal na mamamahayag ng Deparment of Trade and Industry (DTI) at Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga programa at tungkulin ng kani-kanilang tanggapan.

Ito ay kaugnay ng buwanang press conference at pagdiriwang ng 6th Anniversary ng Capitol Press Corps (CPC) na ginanap kamakailan sa Café de Baco sa bayan ng Baco.

Ang CPC ay binubuo ng lokal na mamamahayag mula sa quad media sa pamumuno ni Board of Directors Chairperson Jose Leuterio, Publisher ng Mindoro Bulletin.

Ayon kay DTI Provincial Director Arnel E. Hutalla, patuloy ang pagbibigay ng kanilang tanggapan ng serbisyo sa mga mamamayan sa pamamagitan ng kanilang bagong tagline na TNK o Trabaho, Negosyo at Kabuhayan.

Sa katunayan, 10 na ang naitayong Negosyo Center ng DTI sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.  Para na rin, aniya, itong mini-DTI Office dahil ipinagkakaloob na rin dito ang mga serbisyo ng kanilang tanggapan. Maaari nang magparehistro rito ng business name, nagbibigay rin ng livelihood training at seminars at aktibo sa price monitoring ng mga bilihin.

Idinagdag pa ni Hutalla na tumutulong din sila sa pag-promote ng mga produktong gawa ng mga lokal na negosyante sa lalawigan.

Aniya, mayroong Tindahang Pinoy sa kanilang tanggapan kung saan maaaring bumili ng mga produktong gawa sa Oriental Mindoro.  Bukod pa rito,may ilan nang small and medium scale entrepreneur ang nagtayo ng mga tindahang nagbebenta ng lokal na produkto.  Ang pinakahuli ay ang Grand Pasalubong Center na matatagpuan sa Xentro Mall sa Lungsod ng Calapan.  Regular ding tinutulungan ng kanilang tanggapan ang mga lokal na negosyante para lumahok sa trade fairs sa Maynila, ayon pa kay Hutalla.

Ipinaliwanag din niya ang bagong programa ng pamahalaan na pagpapautang sa mga maliliit na negosyante. Inilunsad noong Enero ang programang Pondo para sa Pagbabago at Pag-asenso (PPP) sa tatlong pilot areas na kinabilangan ng San Jose, Occidental Mindoro para sa Luzon, Sarangani sa Mindanao at Tacloban sa Visayas.  Naging maganda ang resulta nito kaya ipatutupad na ito sa ibang bayan sa bansa.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Chief Statistical Specialist Maribel Bernardo ng PSA ang mandato ng kanilang tanggapan. Aniya, pangunahing tungkulin ng PSA ang mag-produce ng general purpose statistics na official statistics ng bansa na ginagamit ng lahat ng policy-making bodies.  Bukod pa rito, sila rin ang nagtatala ng kapanganakan, kasal at kamatayan ng populasyon.

Nagsasagawa rin ang PSA ng iba’t ibang census at surveys tulad ng price survey, population census at ang pagtatala ng gross national product, gross regional domestic product, provincial product account, agricultural surveys na kinabibilangan ng palay and corn production survey, inventory of livestock and poultry production, fisheries production survey at aquaculture survey.  (LTC/CPRSD/PIA-Mimaropa/Calapan)