Category Archives: MIMAROPA

Tagalog news: ‘ASEAN Advocacy Series in Mimaropa’ ginanap sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Agosto 28 (PIA) — Nasa mahigit sa 300 estudyanteng high school at kolehiyo ng Mindoro State College of Agriculuture and Technology (MinSCAT)-Calapan City Campus ang nagsidalo sa katatapos na youth forum kaugnay ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Advocacy Series bg Mimaropa sa lungsod.

Ang youth forum ay isinagawa sa Activity Center ng MinSCAT, bilang bahagi ng advocacy campaign  ng Philippine Information Agency (PIA) upang ipalaganap ang kaalaman hinggil sa ASEAN at ang kahalagahan o kaugnayan nito sa iba’t ibang sektor tulad ng pagnenegosyo, edukasyon at trabaho. Ang nasabing kampanya ay isinasagawa ng mga regional office ng PIA sa buong bansa.

Maliban sa youth forum, isinagawa rin ang ‘Ugnayan sa PIA’, isang media forum na nilahukan naman ng mga public information officer mula sa mga national government agency (NGA) at lokal na pamahalaan.

Ang mga panauhing tagapagsalita sa forums ay kinabibilangan nina G. Arnel E. Hutalla, provincial director ng Department of Trade and Industry (DTI) at Gng. Marilyn Alcañices ng Provincial Agriculture Office.  Gayundin, ipinaliwanag ni OIC PIA Regional Director Victoria Asuncion S. Mendoza ang mga detalye at ilang mahahalagang bagay na may kaugnayan sa usaping ASEAN.

Samantala, noong Agosto 25, inilunsad naman ang ASEAN-PIA Information Kiosk sa lobby ng Oriental Mindoro Provincial Capitol kung saan maaaring makakuha ng mga information, education and communication (IEC) materials hinggil sa ASEAN at iba’t ibang proyekto ng gobyerno. Mapapanood din dito ang audio-visual presentation (AVP) hinggil sa ASEAN. (MBR/LTC/PIA-Mimaropa)

Advertisements

DOLE, RTWPB approve new minimum wage rates in Mimaropa region

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Aug. 28 (PIA) – More than two years after the issuance of the last minimum wage adjustment under Wage Order No. IV-B-07 and after several consultations/public hearings conducted in the five provinces of the region, the Department of Labor and Employment (DOLE) Mimaropa through the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) recently approved the new wage order prescribing new minimum wage rates in the entire region.

Under the new wage order, wage increases shall be made in tranches.  Upon effectivity of Wage Order No. RB-MIMAROPA-08 or 15 days after its publication in a newspaper of general circulation, a P5 increase shall be implemented to all establishments operating in the region with 10 workers and above, making a P290 basic rate for an eight-hour work in the first tranche. The second tranche will be on February 01, 2018 where another P10 shall be added to the P290 making a new minimum rate of P300 per day.

 

Also, a P12 increase shall be made by all establishments with less than 10 workers as additional to the existing minimum rate of P235 in the first, second and third tranches and P11 in the fourth tranche.

 

The three tranches for establishments with less than 10 workers will be effective from February 1, 2018; August 1, 2018 and February 1, 2019 respectively, which will make a total of P47 increase or a P282 minimum rate.

 

DOLE and RTWPB Mimaropa had even simplified the new wage order as the minimum rates are distinguished only by the number of employees unlike in the previous order where various sectors and areas of operation in the region were given different rates.

 

Section 2 of Wage Order No. RB-MIMAROPA-08 states that it shall apply to all private sector minimum wage workers in the region, regardless of their position, designation or status of employment and irrespective of the method by which their wages are paid.

 

The RTWPB, chaired by DOLE Regional Director Atty. Alvin M. Villamor and composed of officers/members from employer, worker and other government sectors is mandated by Republic Act 6727 or The Wage Rationalization Act to periodically assess wage rates and conduct continuing studies in the determination of the minimum wage applicable in the region or industry.

 

DOLE Mimaropa shall ensure strict implementation of the new minimum rate upon its effectivity through its Labor Laws Compliance Officers who regularly visit establishments or conduct joint assessments to monitor their compliance with labor standards. Workers and employers are also encouraged to take part in the implementation of labor standards. The department enforces legal action to those who violate the law. (LTC/LC-DOLE/PIA-Mimaropa/Calapan)

 

Tagalog news: Mimaropa regional celebration ng Science and Technology Week, idadaos sa Odiongan

ODIONGAN, Romblon, Agosto  7 (PIA) — Idadaos sa bayan ng Odiongan ang 2017 Regional Science and Technology Week (RSTW) simula ika-14 hanggang ika-17 ng Agosto sa Virginia Centurione Bracelli School taglay ang temang “Changing Lives through Science.”

Ang taunang pagdiriwang ay alinsunod sa Presidential Proclamation no 169, s. 1993 bilang pagpapahalaga sa siyensya at teknolohiya sa bansa.

Ang Department of Science and Technology (DOST) ang itinalagang ahensiya ng pamahalaan na  manguna sa nasabing pagdiriwang sa tulong na rin ng iba pang ahensya ng pamahalaan at maging ng pribadong sektor.

Ang pagdiriwang ay naglalayong makapaglaan ng mga oportunidad na pangkabuhayan mula sa siyensya at teknolohiya at makapag-ambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Kinikilala rin sa pagdiriwang ang mga natatanging ambag ng mga indibidwal at institusyon na nakatulong upang iangat ang estado ng siyensya at teknolohiya sa bansa.

Ayon kay Provincial Science and Technology Officer Marcelina Servañez na tampok sa regional celebration ng S&T Week ang mga libreng forum kung saan maraming eksperto ang inimbitahan para magbahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa marble product design, climate change, food safety, environment friendly septic tank, coconut products at mga programa ng DOST tulad ng complementary baby food at ceramic filter.

Tatalakayin din sa mga dadalo sa pagdiriwang kung paano matutulungan ang kanilang negosyo ng Small Enterprise Upgrading Program (SET-UP) ng DOST.

Dapat din aniyang abangan ng mga manonood ang Regional Invention Contest and Exhibits kung saan ipapakita ang iba’t ibang imbensyon o mga resulta ng pananaliksik na maaaring makaambag sa pag-unlad ng bayan.

“Inaanyayahan ng DOST – PSTC Romblon ang lahat na dumalo dahil ito ay libre at tiyak na kapupulutan nila ito ng dagdag kaalaman at pagtatangi sa larangan ng agham at teknolohiya,” paanyaya ni Servañez.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Mga local disaster risk reduction and management office, nagmamanman sa epekto ng habagat sa Mimaropa

LUNGSOD QUEZON, ika-4 ng Agosto (PIA) — Paalala ng Office of Civil Defense – Mimaropa (OCD-Mimaropa) sa mga local disaster risk and management councils (LDRRMCs) sa rehiyon, manmanan ang epekto ng habagat sa kanilang mga nasasakupan upang makaiwas sa pinsala.

Lalong-lalosa mga dalisdis o kaya sa mga mababang lugar kung saan may naninirahang mga kababayan.

Batay sa ipinalabas na General Flood Advisory (No. 3) kaninang ika-7 ng gabi, maaring makaranas nang mahina hanggang katamtamang pag-ulan at ng pagkulog-pagkidlat ang rehiyon.

Maaring maapektuhan ng mga pag-ulan dulot ng habagat ang mga ilog at ng mga sangay ng mga ito.

Una rito, nagbabala ang Pagasa-DOST hinggil sa madalas na pag-ulan na mararanas ng rehiyon dala na rin ng habagat.

Ngayong maghapon, nasuspinde ng klase ang ilang bayan sa Occidental Mindoro.

Sa Mamburao, suspindido ang lahat ng klase sa lahat ng antas.

Sinuspinde rin ang mga klase sa pre-school at elementarya sa bayan ng Sablayan at gayundin ang mga klase sa pre-school, elementarya at maging sa hayskul doon sa bayan ng Looc.

Tulad sa bayan ng Looc sa Occidental Mindoro, sinuspinde rin ang mga klase sa pre-school, elementarya at hayskul sa bayan ng Busuanga, Palawan.

Katulong ng OCD-Mimaropa ang Department of the Interior and Local Government sa mga pagpapakalat ng mga paalala sa mga lokal na pamahalaan.

Nakaantabay rin ang iba pang mga ahensiya gaya ng Department of Social Welfare and Development – Mimaropa na mayroong mahigit sa 34,000 family food na nakaposisyon na mga lalawigan at sa mga liblib na lugar.

Pinaghanda naman ng Department of Health-Mimaropa ang mga ospital at iba pang mga pasilidad para magserbisyo ng mga pasyente kung sakaling kakailanganin.

Antabayan ang mga anunsyo ng OCD-Mimaropa hinggil sa mga paghahanda ng mga ahensiya sa Facebook, Twitter at maging sa PIA-Mimaropa. (LP)

Tagalog news: Wala dapat namamatay sa panganganak, ayon sa DOH-Mimaropa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 31 (PIA) — “Wala dapat namamatay sa panganganak”. Ito ang ipinahayag ng Department of Health (DOH)-Mimaropa sa isinagawang Radio Broadcasters’ Orientation on Family Planning kahapon.

Upang matupad ang hangaring ito ng DOH ay kinatuwang na ng nasabing ahensiya ang mga broadcaster ng iba’t-ibang himpilan ng radio at telebisyon sa Palawan para sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa pagpaplano ng pamilya.

Ayon sa DOH ang hindi tamang pagpaplano ng pamilya ang kadalasang nagiging sanhi ng pagkakamatay ng isang ina at ng isang sanggol sa pamamagitan ng panganganak. Kaya’t isinagawa ng DOH at ng Communication for Health Advantage through Networking and Governance Enhancement (CHANGE) ang Radio Broadcasters’ Orientation on Family Planning upang maipalaganap sa publiko sa pamamagitan ng mga himpilan ng radio ang mga maling paniniwala sa paggamit ng iba’t-ibang paraan ng pagpaplano ng pamilya at upang mahikaya’t ang bawat pamilya na magplano ng pamilya.

Sa gawaing ito ipinaliwanag ni Matthew Medrano, Responsible Parenthood and Reproductive Health Coordinator ng DOH-Mimaropa sa mga radio broadcaster sa Palawan ang mga maling paniniwala na nakasanayan na ng karamihan hinggil sa iba’t-ibang paraan o methods sa pagpaplano ng pamilya tulad ng ligation sa kababaihan at vasectomy naman sa kalalakihan.

Isa sa binigyan diin dito ni Dr. Medrano ay ang paghikayat sa mga kalalakihan sa makiisa sa pagpaplano ng pamilya dahil hindi lamang ito responsibilidad ng mga kababaihan kundi maging ng mga kalalakihan rin, ayon kay Dr. Medrano.

Dagdag ni Dr. Medrano, isa sa paraan ng pagpaplano ng pamilya na maaaring maitulong ng mga kalalakihan ay ang pagpapa-vasectomy kung saan pinuputol at tinatalian ang kaliwa at kanang anurang punlay na dinadaluyan ng punlay upang hindi na mabuntis pa ang asawa nito.

Kinlaro pa ni Dr. Medrano ang maling paniniwala ng maraming kalalakihan na natatakot na sumailalim sa vasectomy dahil sa akala nilang nakakabawas ito sa pagkalalaki. Pinabulaan din nito na tinatanggal ang bayag ng lalaki kapag sumailalim sa operasyong ito.

Ani Dr. Medrano, walang mababawas sa pagkalalaki ng isang nais sumailalim sa vasectomy kundi ang kawalan lang nito ng kakayahan pang makabuntis. Hindi rin aniya ito makaka-apekto sa kalusugan ng isang lalaki at normal pa rin ang magiging pang-araw-araw na gawain ng isang lalaki na na-vasectomy na. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

DSWD-Mimaropa: Nat’l Disaster Resilience Month promotes preparedness, resilience

QUEZON CITY, July 21 (PIA) — Rank and file employees of the Department of Social Welfare and Development – Mimaropa recently received first aid kits, whistles and flashlights during the kick off ceremony for National Disaster Resilience Month (NDRM) at the regional field office in Manila.

The whistles are effective tools to call attention for people trapped in collapsed structures.

Whistles can also draw attention for people under a heart attack or having a stroke.

Flashlights, on the other hand, are indispensable companion during power outages while first-aid kits are sources of instant relief to the injured and wounded while waiting for professional medical assistance.

The kick-off ceremony was a demonstration of the regional office to “quickly and compassionately serve the public before, during and after disasters.”

The occasion likewise supported the awareness campaign on disaster risk reduction and resiliency within the regional office.

Sheila S. Tapia, head of the DSWD-Mimaropa Assistance and Management Unit (DREAM U), said it is important for everybody to learn how to survive calamities especially during the wet season, a time when typhoons frequent the country.

Apart from the distribution of kits, there were orientation on disaster risk reduction and management, blood-letting activity and the Holy Mass celebration.

President Rodrigo Roa Duterte issued Executive Order No. 29, S. 2017 renaming the month of July from National Disaster Consciousness Month (NDCM) to National Disaster Resilience Month.

The change in name stressed the shift from disaster awareness to disaster resiliency through the conduct of activities on disaster prevention and mitigation, disaster preparedness, disaster rehabilitation and recovery. (LP/DSWD-Mimaropa)

Tagalog news: Abilympics tampok sa gaganaping NDRP Week sa Mimaropa

LUNGSOD QUEZON, ika-19 ng Hulyo (PIA) — Isa sa mga malaking aktibidad sa ika-39na National Disability Prevention and Rehabilitation Week (NDRP) Week sa Odiongan, Romblon ay ang pagdaraos ng Abilympics sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development –Mimaropa at ng mga ahensiyang miyembro ng Regional Council for Disability Affairs (RCDA).

Ang katagang Abilympics ay hango sa “Olympics of Abilities” na nagsimula sa bansang Hapon noong 1970s.

Ang bansang Hapon din ang nagpasimula ng kauna-unahang International Abilympics (IA) noong 1982 bilang pagpapahalaga sa United Nations International Year of the Disabled Persons.

Idinaraos ang AI  kada ika-apat na taon: ang huling IA ay ginanap sa Bordeux, Pransiya noong 2016.

Hangarin ng Abilympics na itampok ang mga kakayahan ng mga PWD para magtrabaho o kaya ay magpatakbo ng kabuhayan.

Kabilang sa mga posibleng kategorya sa Abilympics sa Romblon ay floral arrangements, painting at cake decoration.

Ang mga regional winner na mamamayani sa pambansang kumpetisyon ng Abilympics ay sasanayin ng TESDA para kumatawan sa Pilipinas sa IA.

Bukod sa  Abilympics, magkaroon din  ng fun run, walk for inclusive development (parada) at mga patimpalak sa pagkanta at pagsayaw na tatawaging “PWDs Got Talent”.

Dalawang orientation ang gagawin sa umaga: isa tungkol sa mga batas-PWD at yung isa naman ay tungkol sa iba’t-ibang anyo ng kapansanan.

Noong Second Quarter RCDA Meeting, sinabi ni DSWD-Mimaropa Regional Director Wilma Naviamos na kailangan ng konseho na buo ng planong pang-anim na taon na tutukoy sa mga kakayahan o skills na kakailanganin ng mga PWD ng rehiyon.

Umaasa si Director Naviamos na maraming makakalahok sa gaganaping NDRP Week sa Romblon.(LP/PIA4B/QC)