Category Archives: Celebration

Tagalog news: Ika-50 anibersaryo ng ASEAN, ipinagdiwang sa Puerto Princesa, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 11 (PIA) — Sama-samang sinaksihan ng mga mamamayan ng lungsod ng Puerto Princesa at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan ang seremonya sa pagpapailaw ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Landmark na ginanap sa City Coliseum.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN. Sa programa, binanggit ni Acting Mayor Nancy Socrates ang kahalagahan ng pagiging kasapi ng Pilipinas sa ASEAN.

Kaugnay ng selebrasyon, nagsagawa rin ng hiwalay na programa ang Pilot Elementary School kung saan binuksan ito sa pamamagitan ng presentasyon ng bandila ng mga bansang bumubuo ASEAN na ipinarada ng ilang piling mag-aaral.

Bilang bahagi ng aktibidad, itinampok din ang paligsahan sa paggawa ng bandila. Dito pumili ang mga hurado ng 10 may pinakamagandang gawa. Nagpaligsahan din ang mga piling mag-aaral sa pananalita at quiz bee na ang tampok ay patungkol sa ASEAN at mga bansang bumubuo dito. Samantala, sa Agosto 29 naman isasagawa ng Palawan National School ang kanilang inihandang programa na bahagi parin ng kaganapan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Tagalog news: Ika-50 anibersaryo ng ASEAN, ipinagdiwang sa Puerto Princesa, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 10 (PIA) — Sama-samang sinaksihan ng mga mamamayan ng lungsod ng Puerto Princesa at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan ang seremonya sa pagpapailaw ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Landmark na ginanap sa City Coliseum.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN. Sa programa, binanggit ni Acting Mayor Nancy Socrates ang kahalagahan ng pagiging kasapi ng Pilipinas sa ASEAN.

Kaugnay ng selebrasyon, nagsagawa rin ng hiwalay na programa ang Pilot Elementary School kung saan binuksan ito sa pamamagitan ng presentasyon ng bandila ng mga bansang bumubuo ASEAN na ipinarada ng ilang piling mag-aaral.

Bilang bahagi ng aktibidad, itinampok din ang paligsahan sa paggawa ng bandila. Dito pumili ang mga hurado ng 10 may pinakamagandang gawa. Nagpaligsahan din ang mga piling mag-aaral sa pananalita at quiz bee na ang tampok ay patungkol sa ASEAN at mga bansang bumubuo dito. Samantala, sa Agosto 29 naman isasagawa ng Palawan National School ang kanilang inihandang programa na bahagi parin ng kaganapan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Tagalog news: Mimaropa regional celebration ng Science and Technology Week, idadaos sa Odiongan

ODIONGAN, Romblon, Agosto  7 (PIA) — Idadaos sa bayan ng Odiongan ang 2017 Regional Science and Technology Week (RSTW) simula ika-14 hanggang ika-17 ng Agosto sa Virginia Centurione Bracelli School taglay ang temang “Changing Lives through Science.”

Ang taunang pagdiriwang ay alinsunod sa Presidential Proclamation no 169, s. 1993 bilang pagpapahalaga sa siyensya at teknolohiya sa bansa.

Ang Department of Science and Technology (DOST) ang itinalagang ahensiya ng pamahalaan na  manguna sa nasabing pagdiriwang sa tulong na rin ng iba pang ahensya ng pamahalaan at maging ng pribadong sektor.

Ang pagdiriwang ay naglalayong makapaglaan ng mga oportunidad na pangkabuhayan mula sa siyensya at teknolohiya at makapag-ambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Kinikilala rin sa pagdiriwang ang mga natatanging ambag ng mga indibidwal at institusyon na nakatulong upang iangat ang estado ng siyensya at teknolohiya sa bansa.

Ayon kay Provincial Science and Technology Officer Marcelina Servañez na tampok sa regional celebration ng S&T Week ang mga libreng forum kung saan maraming eksperto ang inimbitahan para magbahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa marble product design, climate change, food safety, environment friendly septic tank, coconut products at mga programa ng DOST tulad ng complementary baby food at ceramic filter.

Tatalakayin din sa mga dadalo sa pagdiriwang kung paano matutulungan ang kanilang negosyo ng Small Enterprise Upgrading Program (SET-UP) ng DOST.

Dapat din aniyang abangan ng mga manonood ang Regional Invention Contest and Exhibits kung saan ipapakita ang iba’t ibang imbensyon o mga resulta ng pananaliksik na maaaring makaambag sa pag-unlad ng bayan.

“Inaanyayahan ng DOST – PSTC Romblon ang lahat na dumalo dahil ito ay libre at tiyak na kapupulutan nila ito ng dagdag kaalaman at pagtatangi sa larangan ng agham at teknolohiya,” paanyaya ni Servañez.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Tagalog news: Ika-117 anibersaryo ng Labanan sa Paye ipinagdiwang sa Marinduque

BOAC, Marinduque, Agosto 2 (PIA)– Ipinagdiwang ng buong lalawigan ng Marinduque ang ika-117 anibersaryo ng Labanan sa Paye sa Balimbing, Boac.

Pinasimulan ang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng banal na misa kasama ang mga miyembro ng Boy Scout at Girl Scout of the Philippines.

Matapos nito ay binigyan naman ng pagpupugay sa pangunguna ni Boac Mayor Roberto M. Madla ang mga dakilang bayani na nagbuwis ng buhay noong panahon ng labanan sa Paye noong 1900. Binigyan sila ng 21 gun salute ng mga militar sa harapan ng bantayog.

Ilan sa mga dumalo sa pagdiriwang ay sina Cong. Lord Allan Q. Velasco, Vice-Governor Romulo Bacorro, BGen. Elias Scartcher, PCSupt. Froilan F. Quidilla, Vice Mayor Robert Opis at iba pa nilang kasamahan sa Sangguniang Bayan. Dumalo rin sa pagtitipon na ito ang mga opisyal ng nasyonal at lokal na pamahalaan.

Ang paggunita ng taunang pag-alaala na ito ay binigyan ng temang Labanan sa Paye: Kabayanihan, Gunitain at Ipagmalaki Natin. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Tagalog news: Regional celebration ng 39th NDPR Week, idinaos sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 24 (PIA) — Matagumpay na idinaos sa bayan ng Odiongan ang Regional celebration ng 39th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week  noong ika-19 hanggang ika-20 ng Hulyo 2017 sa pangunguna ng Regional Committee on Disability Affairs Mimaropa.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Karapatan at Prebilihiyo ng may Kapansanan, Isakatuparan at Ipaglaban.”

Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat lalawigan sa rehiyon, mga tauhan national government agencies, mga opisyal at empleyado ng LGUs at mga person with disabilities mula sa iba’t ibang sa lalawigan ng Mimaropa.

Sa unang araw ay naging tampok sa pagdiriwang ang Abilympics at PWD Got Talent na kung saan nagpamalas ng galing sa pagsayaw at pag-awit ang mga person with disabilities na kalahok sa paligsahan.

Sa ikalawang araw naman ng selebrasyon ay naging katuwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa paghahandog ng libreng serbisyo para sa mga PWD.

Nagsagawa ng information caravan ang DSWD, naghandog ng medical check-up ang mga health workers’ ng DOH, nagbigay naman ng libreng pagsasanay sa food beverages ang TESDA, nagbigay ng presentasyon ang DOST ukol sa food preparation & packaging at namahagi ng libreng binhi ng pananim ang tanggapan ng Department of Agriculture. (DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Tagalog news: Pagdiriwang ng Provincial Nutrition Month sa OrMin, pinaghahandaan na

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 24 (PIA) – Pinaghahandaan na ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na nakatakdang ganapin ang culminating activity nito sa darating na ika-25 ng Hulyo 2017.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Healthy Diet, Gawing Habit For Life”.

Sa katatapos na pagpupulong na isinagawa sa Provincial Health Office bilang paghahanda sa okasyon, nakatakda ang mga gawaing itatampok sa Buwan ng Nutrisyon tulad ng Cookfest ng mga pagkaing mura subalit masustansya na nakatakdang lahukan ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa 14 na bayan at isang lungsod sa lalawigan. Magkakaroon din ng presentasyon ang bawat bayan at lungsod na naaayon sa tema ng pagdiriwang.

Hinihikayat ang lahat na makiisang kumilos upang mabawasan ang malnutrisyon gayundin ang bilang ng mga obese sa bansa na pangunahing layunin ng tema sa taong ito.

Ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Norine G. Dacula, ipatutupad  ang zero softdrinks sa mga paaralan.  Isasagawa rin ang  monitoring  sa mga kantina ng paaralan at paligid ng mga ito kung may mga nagtitinda ng mga hindi masusustansyang pagkain na nabibili ng mga mag-aaral.  Kailangang  mapayuhan ang mga itong palitan ang mga paninda ng mga masusustansya at naaangkop sa pagbuti ng kalusugan ng mga batang mag-aaral.  (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Tagalog news: Araw ng Merkado sa Kapitolyo ng OrMin, Huwebes at Biyernes na

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 19 (PIA) – Bunsod ng papadaming mamimili partikular ng mga kawani ng pamahalaan, mula sa mga araw ng Biyernes at Sabado, inilipat na ang pagbubukas ng Merkado sa Kapitolyo ng Huwebes at Biyernes.

Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan partikular ang mga taga malalayong bayan na maayos na makapamili ng mga produktong gawang Mindoro mula sa nasabing producers’ market.

Mas maraming namimili rito kapag Biyernes dahil nakagawian nang dumaan ng mga empleyado  na  nagmumula sa kani-kanilang tanggapan bago umuwi ng kanilang tahanan.  Dahil dito, naipasyang sa halip na Sabado, na walang pasok ay ilipat ng Huwebes ang pagsisimula ng Merkado sa Kapitolyo.

Matatandaang binuksan ang programang Merkado sa Kapitolyo upang matulungan ang mga maliliit at nagsisimula pa lamang na producers sa lalawigan ng mga produktong gawang Mindoro na maipakilala at maisapamilihan ang mga ito at makatulong na magtuluy-tuloy ang pagkita ng kanilang mga kabuhayan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)