Tagalog news: Solar Energy Systems, inilagay sa iba’t ibang bayan sa Marindque

BOAC, Marinduque, Enero 18 (PIA)–Nagtayo ng Solar Energy System (SES) sa iba’t ibang lugar sa Marinduque ang Department of Science and Technology (DOST) kaagapay ang mga lokal na pamahalaan at eskwelahan.

Sa pakikipagtulungan ng Marinduque State College (MSC) at pamahalaang bayan ng Buenavista, nakapaglagay ng SES ang DOST-Marinduque sa dalawang mababang paaralan sa nasabing bayan: Binunga Elementary School at Libas Elementary School, na siya ring nagsisilbing evacuation centers sa lugar.

Labinglimang small scale SES din naman ang itinayo sa mga tahanan na nabibilang sa Community Empowerment through Science and Technology (CEST) sa Yook, Buenavista.

Bukod pa rito ay nakapaglagay rin ng SES sa 22 barangay sa bayan ng Mogpog na nagsisilbi ring evacuation centers.

Laking pasasalamat din naman ng Department of Health-Mimaropa dahil nabigyan din ng SES ang kanilang mga Rural Health Unit (RHU) sa Brgy. Dolores, Sta. Cruz, Brgy. Bantay Boac, Brgy. Maniwaya, Sta. Cruz at Brgy. Poblacion, Buenavista.

Dahil dito, nakakapagbigay pa rin ng serbisyo ang mga RHU kahit brownout sa probinsya lalo na kapag magbibigay serbisyo sa mga manganganak ng sanggol.

Inaasahan naman na sa taong 2021 ay makapagdadagdag muli ng SES sa 15 barangay at walong eskwelahan sa lahat ng anim na bayan ng lalawigan. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s