Tagalog news: 21 estudyante ng Marinduque State College pumasa sa iskolarsip ng DOST

BOAC, Marinduque Enero 11 (PIA) — Inilabas na ng Department of Science and Tachnology-Provincial Science and Technology Center (DOST-PSTC) Marinduque ang mga pumasa sa 2017 Junior Level Science Scholarship (JLSS).

May bilang na 21 mag-aaral mula sa Marinduque State College (MSC) ang nabigyan ng pagkakataon na mapasama sa nasabing iskolarsip.

Ang mga mag-aaral na nabibiliang dito ay ang mga sumusunod: Baṅega, Avegail Luz; Jalos, Ellaine Martillano; Llave, Rose Ann Jandusay; Malco, Ronamel Sapalaran; Redivizo, Eugene; Roldan, Ericka Quindoza; Seṅo, Kimberly Rose Lupig; Maapoy, Kate Angela Sena; Mabansag, Elaine Marciano; Mangcoy, Rodalyn Ricohermoso; Mirones, Czarlyn Maderazo; Nolos, Ronnel Comia; Ola, Kate Shiendel Muhi; Pastrana, Ronalyn Villaruel; Pelaez, April Lalaine Ramos; Fabrigas, Rica Pacalda; Salon, Denia Barela; Medina, Khevin Lumalang; Mabunga, Michael Dane de Belen; Saguid, Jaimlevy Semilla; at, Serdeṅa, Jean Christine Sanchez

Makakakuha ang mga estudyanteng ito ng P5,000 buwanang allowance, libreng matrikula sa MSC, student insurance, book allowance na nagkakahalagan g P10,000 at graduation allowance. Bukod pa rito ay may pagkakataon din silang makapagturo o makapagtrabaho sa kahit anong pampublikong paaralan sa oras ng kanilang pagtatapos.

Ang scholarship na ito ay bukas sa mga mag-aaral na nasa ikatlong taon sa kolehiyo na kumukuha ng mga kursong nabibilang sa Science and Technology Priority Courses sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at ilang pribadong eskwelahan na mayroong CHED compliant programs, CHED identified Centers of Excellence (COE) o Centers of Development (COD). (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s