Tagalog news: 1st school-based Bila-bila Festival Competition, isinagawa sa bayan ng Boac

BOAC, Marinduque, Dis. 20 (PIA) – Kasabay ng pagdiriwang ng 395th founding anniversary ng bayan ng Boac ay ipinamalas ang makulay na pagtatanghal ng 1st School-Based Bila-bila Festival Competition.

Sa mismong araw ng kapyestahan ng bayan ay ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Educational System and Technological Institute (ESTI), Ilaya National High School (INHS) at Cawit Comprehensive National High School (CCNHS) ang kanilang galing sa pagsasayaw sa kalsada habang suot ang kanilang pakpak at malaparu-parong kasuotan.

Matapos ang kanilang pagparada sa buong poblacion ay nagtungo ang mga nagtanghal na mag-aaral sa Moriones Arena kung saan ay muli nilang ipinakita ang kanilang presentasyon sa loob ng 20 minuto.

Base sa mga hurado, ang may pinakamagandang konsepto at pagtatanghal na naipakita ay ang mga mananayaw mula sa INHS na nagkamit ng isang tropeyo at P50,000.00. Naiuwi naman ng CCNHS ang ikalawang pwesto at nag-uwi ng P30,000.00 samantalang ang mga mag-aaral naman mula sa ESTI nag nakasungkit ng ikatatlong pwesto na may premyong P20,000.

Maliban sa mga estudyante na nagpamalas ng kanilang sa pagsayaw ay natanghal din ang mga representante ng Marinduque sa street dance competition na isinagawa sa Romblon sa nakalipas na Mimaropa Festival.

Ang pagdiriwang ng Bila-bila Festival ay ginagawa taon-taon sa bayan ng Boac kung saan ay isinasabay rin ito sa kapyestahan ng kanilang patron na si Imakulada Konsepsyon. (ADSD/PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s