Balayong Tree Planting Festival sa Puerto Princesa, kasado na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 27 (PIA) — Nakahanda na ang pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa sa gaganaping ‘Balayong Tree Festival’ sa darating na Hulyo 29, kung saan tatamnan ng balayong seedlings ang panukalang Balayong Park.

Naghanda ang pamahalaang lungsod ng 1,200 seedlings ng punong balayong na may taas na limang talampakan upang pagtulungang maitanim.

Layon ng gawain na madagdagan ang tourist attractions sa lungsod upang lalo pang makahikayat sa mga turista na siyang kinakailangan sa pagpapalago ng turismo.

“Be a part of history. This is a history in the making (maging bahagi ng kasaysayan. Ito ay kasaysayang nagaganap sa kasalukuyan).  Darating ang panahon na kikilalanin ang Balayong Park ng lungsod hindi lamang dito sa atin kundi sa iba pang parte ng Pilipinas at ng mundo”, ani Mayor Lucilo Bayron.

Samantala, ayon sa City Information Office (CIO), hahati-hatiin ang lugar ng Balayong Park upang maitalaga sa bawat permanenteng opisina ng pamahalaang lungsod. Ang mga opisina ang siyang inatasan ni Mayor Bayron na mangalaga at magpalaki sa mga punong Balayong na nakatanim sa parke.

Bukas ang aktibidad para sa sino mang nagnanais makilahok na magtanim ng punong Balayong. Kinakailangan lamang magpatala sa CIO upang mabigyan ng numerong katumbas ng puno at bahaging pagtatamnan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s