Tagalog news: PSHS Mimaropa, tumatanggap na ng aplikasyon para sa SY2018-2019

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 26 (PIA) — Nagsimula nang tumanggap ang Philippine Science High School Mimaropa Region Campus ng aplikasyon para sa mga mag-aaral sa elementarya na nagnanais mag-aral sa naturang institusyon.

May hanggang Setyembre 1 ang mga estudyanteng Grade 6 para magsumite ng application form para sa National Competitive Examination (NCE) na ibinibigay ng Philippine Science High School.

Ang NCE ang nag-iisang pagsusulit na kailangang ipasa ng isang Grade 6 pupil para makapasok bilang Grade 7 Philippine Science High School (PSHS) at iskolar ng pamahalaan sa school year 2018-2019.

Ang PSHS Scholarship Program ay para sa mga mag-aaral na kasalukuyang nasa ika=anim na baitang sa elementarya na may final grade na 85 porsiyento sa Science at Math. Ang mag-aaral ay kinakailangang napapabilang sa upper 10 percent ng graduating class ngayong school year.

Ang kwalipikadong aplikante ay dapat Filipino citizen na walang pending o aprubadong aplikasyon bilang immigrant sa alinmang bansa, ipinanganak bago o matapos ang Agosto 1, 2003, mayroong at least a satisfactory rating (or katumbas nito) sa kanyang character rating na nakatala sa report card (SY 2016 – 2017); hindi pa kailanman nakakuha ng PSHS NCE; may malusog na pangangatawan at handang sumailalim sa rigorous academic program.

Sa mga interesadong aplikante, kinakailangang magsumite ng dalawang kopya ng fully accomplished Application Form na maaring ma-download sa http://www.pshs.edu.ph; dalawang identical recent 1×1 ID pictures;  non-refundable test fee (Php 100 para sa  mga nagmula sa pribadong paaralan. Libre naman ito para sa mga pampublikong paaralan; certified true copy ng report card (SY 2016 – 2017) mula sa class adviser / principal at kapag ang final grades sa Science or Math ay mababa sa 85 porsiyento ay kailangan magpakita ng certification o katibayan na ang bata ay kabilang sa upper 10 porsiyento sa graduating batch.

Maaaring isumite ang mga kailangang dokumento sa PSHS Mimaropa campus na nakabase sa Bgy. Rizal, Odiongan, Romblon o sa pinakamalapit na Provincial Science and Technology Center sa kanilang lalawigan partikular sa Mindoro, Marinduque, Palawan at iba pang karatig probinsiya ng Romblon. Ang NCE ay isang aptitude test na tumatasa sa scientific ability, quantitative ability, abstract reasoning at verbal ability ng mga mag-aaral. Ang Philippine Science High School System’s National Competitive Examination (NCE) ay gaganapin sa Oktubre 21, 2017.

Ang lahat ng mag-aaral sa PSHS ay iskolar ng pamahalaan kaya bilang iskolar, kabilang sa mga benepisyo ay libreng tuition, textbook loan, buwanang allowance at transportation at living allowance sa mag-aaral na kabilang sa “low income families.”

Para sa karagdagang detalye o katanungan, maaaring magsadya ng personal sa PSHS Mimaropa Region Campus na matatagpuan sa Romblon Convention Center, Barangay Rizal, Odiongan, Romblon o kaya ay magtext / tumawag sa mga numerong: 0927-8866315 or 0939-8172212. (DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s