Tagalog news: Mga opisyal ng Hainan, China dumalaw sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 26 (PIA) — Dumalaw sa lalawigan ang mga opisyal ng Hainan Province ng People’s Republic of China kamakailan.

Ang pagdalaw na ito ng mga opisyal ng Hainan, China ay bilang bahagi ng China-Philippines Joint Communiqué na naglalayong mas mapalago ang relasyon at kooperasyon ng dalawang panig at magkaroon ng mas higit na pagkakaunawan sa pagitan ng mga Pilipino at Tsino.

Ang delegasyon ng China ay pinangunahan nina His Excellency Liu Cigui, Kalihim ng Hainan Provincial Committee of the Communist Party of China (CPC) at Chairman ng Standing Committee of Hainan Provincial People’s Congress at His Excellency Carlon Chan, Special Ambassador to China. Kasama rin sina Mr. Hang Jinglei, Mr. Ning Haihui, Mr. Wang Sheng, Mr. Fu Xuanchao, Mr. Lyu Yong, Mr. Zhu Hongling, Ms. Zhong Kin, Mr. Zhang Dongdong, Mr. Li Yingting at Ms. Liu Liu.

Kasama sa pagdalaw na ito ng mga opisyal ng Hainan, China ang paglagda sa isang kasunduan bubuo at magpapalakas ng ‘sisterhood relationship’ sa pagitan ng Pamahalaang Panalalawigan ng Palawan at Hainan Province ng People’s Republic of China. Ito ay isinagawa sa Victoriano J. Hall ng gusaling Kapitolyo.

Nilagdaan ito nina Gobernador Jose Chaves Alvarez para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at H.E. Liu Cigui para naman sa Hainan, China.

Nakapaloob sa Memorandum of Agreement (MOA) ang pagbibigay daan sa pagpapalawak ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang probinsya sa larangan ng edukasyon, agrikultura, turismo, marine fishery at iba pa.

Inihayag naman ni Gob. Alvarez na napagkasunduan ng dalawang panig na magtulungan sa pamamagitan ng isang kasunduan upang magkaroon ng inter-connectivity ang dalawang probinsya. Ito ay sa pamamagitan ng paghiling sa Hainan Airlines na magbukas ng mga flights na diretsong tutungo sa Palawan na lalong magpapalakas ng turismo sa lalawigan.

Nakapaloob din sa naturang kasunduan ang pagbubukas ng scholarship program sa dalawang probinsya na magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante mula sa Palawan na makapag-aral ng libre sa Hainan gayon din ang mga estudyante mula Hainan na makapag-aral sa mga pangunahing unibersidad at paaralan sa lalawigan.
Saksi sa nasabing paglagda sina Bise-Gobernador Victorino Dennis M. Socrates 2nd District Congressman Frederick Abueg, Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga pinuno ng ilang unibersidad at paaralan sa lalawigan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s