Tagalog news: Civil military operation kontra NPA, ipagpapatuloy ng WESCOM

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 26 (PIA) — Hindi ihihinto ng Western Command ang kanilang ginagawang civil military operation sa lalawigan ng Palawan laban sa grupong New People’s Army (NPA).

Ito ang nilalaman ng opisyal na pahayag ng Wescom matapos ang magkakasunod na operasyon ng Philippine Marines sa timog ng lalawigan partikular sa bayan ng Bataraza.

Ani Captain Cherryl Tindog, tagapagsalita ng Wescom, layon ng gobyerno na matiyak na ligtas ang mga komunidad sa ano mang banta ng pag-atake ng rebeldeng grupo

Matatandaan noong Hulyo 21, nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng MBLT-4 at NPA sa Sitio Ilyan, Barangay Malihud sa Bataraza na nagresulta ng pagkakakubkob ng pinaniniwalaang pinakamalaking kampo ng CPP-NPA-NDF sa timog ng lalawigan.

Nasundan pa ang bakbakan nitong nakalipas na Sabado sa isa pang Sitio ng Malihud at naulit pa noong Hulyo 23 ng umaga upang pigilan ang pagtakas mula sa Bataraza na nagtagal ng 25 minuto.

Ani Tindog, malaking bentahe para sa tropa ng pamahalaan ang ibinibigay na impormasyon ng taong bayan upang mapigilan ang ano mang banta ng grupong NPA

Samantala, noong Hulyo 18, tinambangan ng makakaliwang grupo ang truck na lulan ng nga sundalo sa pamamagitan ng pagpapasabog ng IED sa gilid ng kalsada sa Bgy. Tarusan sa nasabi ring bayan na ikinasugat ng isang sundalo.

Kinabukasan ng umaga, dalawang sundalo naman na miyembro ng Philippine Marines ang patay matapos pagbabarilin ng hinihinalang miyembro ng NPA sa bgy. Magara, sa bayan ng Roxas habang namamalengke. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s