Tagalog news: NIA, ENRO pinangunahan ang pagtatanim ng puno sa Brgy. Arangin, Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 25 (PIA) –  Kamakailan lamang ay muling nagkaisa ang mga mamamayan na magsagawa ng pagtatanim ng puno sa Brgy. Arangin sa bayan ng Naujan.

Ang pagtatanim ng puno sa mga baybaying ilog ay mabisang lunas upang maprotektahan ang mga ari-arian laban sa malawakang pagbaha sa lalalwigan.

Magkakatuwang na nagtanim ang mga kawani ng National Irrigation Administration (NIA) at ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) kung saan nagmula ang may 600 pananim na puno ng Narra,  at ang mga taga Barangay Arangin na siya namang binigyan ng Memorandum of Agreement upang mamahala sa pagsisiguro at pagmamantina ng proyekto pagkatapos ng pagtatanim.

Sa layuning maprotektahan ang proyektong irigasyon ng NIA, natukoy ang baybaying ilog ng Arangin na pinagmumulan ng baha na nakapipinsala sa mga ari-arian ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtatanim ng mga puno ng narra, naniniwala ang pamahalaang lokal na magsisilbi itong suporta sa pagpapatibay ng earth dike na isinagawa ng NIA matapos itong sirain ng pagbaha dulot ng pananalasa ng bagyong Nona at Nina noong nakaraang taon.

Ang Ilog ng Bucayao ay siyang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng NIA at pinanggagalingan ng dumadaloy na tubig sa malalapad na palayan at taniman sa bayan ng Naujan at lungsod ng Calapan.  Ang ilog na ito ay bumabagtas mula sa mga barangay ng Arangin, Mulawin, Del Pilar, at General Esco (Carumaguit) sa bayan ng Naujan.  Nasira ang NIA dam at earth dike sa mga lugar na ito dahil sa pagbaha at nakaapekto nang malaki sa mga palayan na umaasa sa patubig ng NIA hanggang sa kasalukyan.

Sa kaugnay na balita, patuloy naman ang rehabilitasyon sa mga namatay na itinanim na punong kawayan ng mga tauhan ng ENRO sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga taga-barangay hinggil sa mga namatay at nasirang punong kawayan sa mga barangay na dinadaanan ng ilog ng Bucayao na naapektohan ng pagkasira nito dahil sa malakihang pagbaha.

Sa pagbisita sa mga itinanim na puno, napag-alaman na bagama’t malago at malalaki na ang marami sa mga kawayan 33 porsiyento lamang ang nanatiling nakatayo mula sa 1,250 itinanim ng mga nakaraang taon na nasira dahil sa kalamidad. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s