Tagalog news: Police outpost, itinayo sa pampublikong pamilihan ng Odiongan

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 24 (PIA) — Layuning mapaigting ang pagbabantay sa mga pampublikong lugar, ang pamunuan ng Odiongan Municipal Police Station ay nagtayo ng outpost sa harap ng Odiongan Public Market.

Ang nasabing proyekto ay nabuo sa pakikipagtulungan ng Municipal Advisory Council ng Odiongan MPS at lokal na pamahalaan ng Odiongan.

Pormal na itong binuksan kamakailan upang magamit na ng mga tauhan ng Odiongan MPS sa pagbibigay serbisyo o proteksiyon sa mga mamimili sa naturang palengke.

Ayon kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., chief of police ng Odiongan PNP, laging may nakatalagang pulis sa nasabing outpost upang magbantay sa paligid lalo na tuwing umaga para may malalapitan ang sinumang indibidwal na nais idulog o isumbong sa pulisya.

Mabilis na rin aniyang makakapagresponde ang kanyang mga tauhan kung sakaling may nakawan at krimen sa palengke o may maganap na aksidente malapit sa naturang lugar.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s