Tagalog news: Pagdiriwang ng Provincial Nutrition Month sa OrMin, pinaghahandaan na

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 24 (PIA) – Pinaghahandaan na ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na nakatakdang ganapin ang culminating activity nito sa darating na ika-25 ng Hulyo 2017.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Healthy Diet, Gawing Habit For Life”.

Sa katatapos na pagpupulong na isinagawa sa Provincial Health Office bilang paghahanda sa okasyon, nakatakda ang mga gawaing itatampok sa Buwan ng Nutrisyon tulad ng Cookfest ng mga pagkaing mura subalit masustansya na nakatakdang lahukan ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa 14 na bayan at isang lungsod sa lalawigan. Magkakaroon din ng presentasyon ang bawat bayan at lungsod na naaayon sa tema ng pagdiriwang.

Hinihikayat ang lahat na makiisang kumilos upang mabawasan ang malnutrisyon gayundin ang bilang ng mga obese sa bansa na pangunahing layunin ng tema sa taong ito.

Ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Norine G. Dacula, ipatutupad  ang zero softdrinks sa mga paaralan.  Isasagawa rin ang  monitoring  sa mga kantina ng paaralan at paligid ng mga ito kung may mga nagtitinda ng mga hindi masusustansyang pagkain na nabibili ng mga mag-aaral.  Kailangang  mapayuhan ang mga itong palitan ang mga paninda ng mga masusustansya at naaangkop sa pagbuti ng kalusugan ng mga batang mag-aaral.  (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s