Tagalog news: Mga proyektong pang-imprastraktura, pinasinayaan sa Puerto Galera

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 21 (PIA) – Pinasinayaan kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga proyektong pang-imprastraktura sa bayan ng Puerto Galera.

Kabilang sa mga proyektong pinasinayaan ang Day Care Center at road concreting sa Barangay Dulangan na nagkakahalaga ng mahigit P956,000.  Pagpapasemento rin ng kalsada patungo sa Escarceo Light House ang proyektong pinasinayaan sa Brgy. Sinandigan na pinondohan ng halagang P1M.  Samantalang P2M halaga naman ng road concreting project at P1M para sa pagsasaayos ng breakwater o baywalk sa Sitio Dalaruan sa Brgy. Sabang.

Ilang proyekto tulad ng road concreting, flood control at pagsasaayos ng flood protection structure na may kabuuang halaga na P4.7 milyon naman ang nabuksan sa Brgy. Palangan.

Lubos ang pasasalamat ng mga punong-barangay at mamamayan ng Puerto Galera sa Pamahalaang Panlalawigan sapagkat malaking tulong para sa kanila ang mga proyektong nabanggit.

Ang mga daang binuksan ay patungo sa mga lugar na madalas dinarayo ng mga turista at ngayong maayos na ang mga kalsada, mas lalo pang uunlad ang turismo at kabuhayan sa mga nabanggit na lugar.  (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s