Tagalog news: 5 barangay sa San Jose, makikinabang sa GM Feeding Program

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hulyo 20 (PIA)—Limang barangay sa bayan ng San Jose ang makikinabang sa GM (Garantisadong Masustansya) Feeding Program ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) ng bayang ito, katuwang ang Provincial Nutrition Action Office (PNAO).

Ang mga barangay na ito ay ang Ansiray, Pagasa, Batasan, San Agustin at Bubog, mga barangay na may mataas na bilang ng malnutrsiyon ang mga bata na may na edad 1 – 71 buwan. “Tatanggap sila ng isang sachet ng GM Powder sa loob ng 120 days”, paglalahad ni Yolanda Ylagan, tagapamahala ng MNAO San Jose.

Ang GM Powder ay ginagawang sangkap sa nilutong pagkain. Meron itong ground rice, mongo at sesame seeds kung kaya’t nakapagbibigay ng carbohydrates at fats na kailangan ng katawan natin. “Kapag isinasama ang GM Powder sa gulay, kumpleto na ang go, grow at glow foods nito”, ayon pa kay Ylagan. Naniniwala ang nutrition officer na malaki ang maitutulong ng GM Powder sa kalusugan ng mga batang mabibigyan nito.

Sa kasalukuyan ay may naitalang 25, 451 na malnourished children ang bayan ng San Jose. Aabot sa 5.9 porsiyento ang mga underweight o kulang sa timbang, 9.2 possiyento ang mga stunted o bansot at 4.9 possiyento naman ang wasted.

Ang GM Powder feeding program ay bahagi ng mga nakalinyang aktibidad para sa pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang “Healthy Diet, Gawing Habit – For Life”. Nakalinya rin sa mga aktibidad ang Zumba contest kung saan ang mga kasali ay mga nanay na may sakit na diabetes at hypertension. “Magkakaroon din kami ng cooking contest”, ayon pa kay Ylagan. Ihahanda ng mga kalahok sa cooking contest ang mga pagkain batay sa pamantayan ng Pinggang Pinoy na ipinalabas ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI). (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s