Tagalog news: Bayan ng San Agustin, nakiisa sa paggunita ng 3rd Annual Arbor Day

SAN AGUSTIN, Romblon, Hulyo 19 (PIA) — Sama-samang nagtanim ng punongkahoy sa watershed ng Bgy. Dubduban ang lahat ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaang bayan ng San Agustin noong ika-12 ng Hulyo bilang paggunita ng 3rd Annual Arbor Day.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang: “Climate Change is Coming! Are you Ready?”.

Nakilahok din sa naturang aktibidad ang mga kawani ng Philippine National Police, Department of Education, Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Social Welfare and Development, Department of Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources, Department of Interior and Local Government, Philippine Coast Guard at iba pang volunteers.

Ang Arbor Day ay taunang ipinagdiriwang ng LGU San Agustin kung saan nagtatanim ang mga kalahok ng mga punongkahoy gaya ng Narra, Mahogany at iba pang uri ng puno sa mga watershed na pinangangalagaan ng pamahalaan.

Naging tampok din sa nasabing aktibidad ang poster making contest na nilahukan ng mga estudyante kung saan ibinatay sa tema ng Arbor Day ang kanilang mga obra.

Hinamon naman ni Mayor Esteban Santiago F. Madrona ang kanyang mga kababayan na pangalagaan ang mga puno maging ang kalikasan para hindi ito tuluyan masira at mabawasan ang masamang epekto sa tao ng Climate Change. (JT/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s