Tagalog news: Abilympics tampok sa gaganaping NDRP Week sa Mimaropa

LUNGSOD QUEZON, ika-19 ng Hulyo (PIA) — Isa sa mga malaking aktibidad sa ika-39na National Disability Prevention and Rehabilitation Week (NDRP) Week sa Odiongan, Romblon ay ang pagdaraos ng Abilympics sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development –Mimaropa at ng mga ahensiyang miyembro ng Regional Council for Disability Affairs (RCDA).

Ang katagang Abilympics ay hango sa “Olympics of Abilities” na nagsimula sa bansang Hapon noong 1970s.

Ang bansang Hapon din ang nagpasimula ng kauna-unahang International Abilympics (IA) noong 1982 bilang pagpapahalaga sa United Nations International Year of the Disabled Persons.

Idinaraos ang AI  kada ika-apat na taon: ang huling IA ay ginanap sa Bordeux, Pransiya noong 2016.

Hangarin ng Abilympics na itampok ang mga kakayahan ng mga PWD para magtrabaho o kaya ay magpatakbo ng kabuhayan.

Kabilang sa mga posibleng kategorya sa Abilympics sa Romblon ay floral arrangements, painting at cake decoration.

Ang mga regional winner na mamamayani sa pambansang kumpetisyon ng Abilympics ay sasanayin ng TESDA para kumatawan sa Pilipinas sa IA.

Bukod sa  Abilympics, magkaroon din  ng fun run, walk for inclusive development (parada) at mga patimpalak sa pagkanta at pagsayaw na tatawaging “PWDs Got Talent”.

Dalawang orientation ang gagawin sa umaga: isa tungkol sa mga batas-PWD at yung isa naman ay tungkol sa iba’t-ibang anyo ng kapansanan.

Noong Second Quarter RCDA Meeting, sinabi ni DSWD-Mimaropa Regional Director Wilma Naviamos na kailangan ng konseho na buo ng planong pang-anim na taon na tutukoy sa mga kakayahan o skills na kakailanganin ng mga PWD ng rehiyon.

Umaasa si Director Naviamos na maraming makakalahok sa gaganaping NDRP Week sa Romblon.(LP/PIA4B/QC)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s