Tagalog news: Mga dayuhang investor, bumisita sa OrMin

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 18 (PIA) – Humigit kumulang sa isandaang dayuhang investors na Amerikano at Hapon ang bumisita sa kapitolyo kamakailan.

Ang mga dayuhan ay kasapi sa Adventists World Radio na may misyong makaka tulong sa mga mahihirap na bayan o pamayanan.

Layunin ng pagbisita ang makita ang lalawigan, makapunta sa komunidad at malaman ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan doon.

Upang magkaroon ng ideya kung ano ang mayroon at potensyal ng lalawigan ng Oriental Mindoro, nagpakita ng presentasyon sa mga bisita si Provincial Agriculturist Christine M. Pine hinggil sa raw products na matatagpuan sa lalawigan.

Tumigil ang mga dayuhan sa lalawigan nang halos dalawang linggo upang mabisita ang iba’t ibang bayan sa Oriental Mindoro.

Matapos ang isinagawang pagbisita sa iba’t ibang lugar o bayan sa lalawigan, inaasahan ng pamahalaang lokal na malaki ang maiaambag ng grupo sa kanilang mga proyektong gagawin sa lalawigan ng Oriental Mindoro sa darating na mga araw. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s