Tagalog news: Marine Protected Area sa OrMin, inilunsad

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 18 (PIA) – Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ng Provincial Agriculre Office (PAgO) ang Buloc-Buloc Cove Marine Protected Area (BuCoMaPa) sa Brgy. Montemayor, Naujan kamakailan lamang.

Ang banaggit na ugar ay isa sa 33 Marine Protected Areas (MPAs) na matatagpuan sa lalawigan. Pangunahing layunin ng paglunsad nito ay protektahan, pangalagaan at pasaganain ang marine resources ng Oriental Mindoro.

Saksi ang mga mamamayan ng nasabing barangay sa pangunguna nina Punong-barangay Nicholson Udtuhan, Naujan Mayor Mark N. Marcos, Vice-Mayor Sheryl Morales, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kinatawan ng PAgO Fishery Division at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa nasabing paglulunsad.

Ayon kay Supervising Agriculturist Marilyn Alcañices ng PAgO Fishery Section, ang pagbubuo at paglulunsad ng mga MPAs ay inisyatibo ng komunidad.  Patunay dito ang resolusyong ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Naujan na nagpapatibay ng Buloc-Buloc Cove bilang isang protektadong lugar na pangisdaan upang muling payamanin ang pinagkukunan ng pangunahing kabuhayan ng mga mamamayan.

Kaakibat nito, ipatutupad ang seasonal closure hindi lamang sa BuCoMaPa kundi sa lahat ng MPAs sa lalawigan upang magkaroon ng pagkakataong magparami at lumaki ang mga isda at iba pang yamang-tubig.

Ayon pa kay Alcañices, sa ganitong mga pagkakataon, mahalaga din, aniya, na magkaroon ng dagdag kasanayan ang mga mamamayan tulad ng poultry raising, seaweed farming at iba pang livelihood trainings upang magkaroon ng alternatibong kabuhayan ang mga mangingisda sa panahon ng seasonal closure o spawning season.

Positibo naman si Mayor Marcos na ang programang ito ay makapag-aangat sa antas ng kabuhayan ng mga mangingisda sa Naujan.  Pinaalalahanin niya ang bawat isa na walang ibang magbabantay at mangangalaga ng kanilang likas-yaman kundi ang kanya ring mga kababayan.

Nakapaloob din sa programa ang panunumpa ng karagdagang Bantay Dagat na siyang mangangalaga sa nasabing MPA.

Isa rin sa layunin ng paglulunsad na ito na maipakilala ang Brgy. Montemayor bilang isang potensyal eco-tourism destination at divesite. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s