Tagalog news: Higit 400 aplikante ng BLEPT nakinabang sa San Jose PRC Mobile

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hulyo 18 (PIA)— Higit sa 400 aplikante ng Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) ang nakinabang sa isinagawang PRC (Professional Regulation Commission) Mobile sa bayan ng San Jose kamakailan.

Ayon sa San Jose Public Employment Service Office (PESO), ang tanggapan na naging katuwang ng PRC, malaking tulong ang PRC Mobile sa mga aplikante dahil hindi na sila lalabas pa ng lalawigan upang isumite ang kanilang mga dokumento. Karaniwang inaabot ng 10 – 12 oras ang biyahe ng isang aplikante, na manggagaling sa bayan ng San Jose patungong Lucena City, kung saan matatagpuan ang Southern Tagalog Regional Office ng PRC.

Batay naman sa ipinalabas na proseso ng PRC, kailangang makapagparehistro muna sa PRC Website ang mga aplikante at magbayad ng kaukulang examination fee sa mga Bayad Centers gaya ng LBC at Western Union, bago magpasa ng mga kaukulang dokumento sa nabanggit na ahensya. Matatagpuan din sa PRC Website ang listahan ng mga application requirements o mga dokumentong kailangang isumite.

Gaganapin ang BLEPT sa ika-24 ng Setyembre kung saan kabilang ang bayan ng Mamburao sa mga itinalagang testing centers. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s