Tagalog news: 5 kooperatiba sa San Vicente, Palawan, sumasailalim sa pagsasanay

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 18 (PIA) — Sumasailalim sa Internal Control at Basic Cooperative Course ang mga opisyales at miyembro ng limang rehistradong kooperatiba mula sa munisipyo ng San Vicente.

Ang mga ito ay ang Mariculture Producers Cooperative (PMPC), Poblacion San Vicente Multi-Purpose Cooperative, San Vicente Municipal Employees Multi-Purpose Cooperative, San Vicente Vendors Multi-Purpose Cooperative (SVVMPC) at AZ Multi-Purpose Cooperative.

Ang apat na araw na pagsasanay ay pinangasiwaan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at kasalukuyang isinasagawa ito sa Municipal Session Hall ng Bayan ng San Vicente.

Layon ng pagsasanay na ito na matulungan ang mga kooperatiba para sa kanilang operasyon sa pamamagitan ng kaalaman sa pagpapatakbo nito, kaalaman sa mga obligasyon ng isang kooperatiba, mga benepisyo nito at lalong lalo na ang pagpapalago nito.

Sa nasabing pagsasanay ay ipapaunawa rin sa mga miyembro ng kooperatiba ang mga magiging tungkulin ng bawat opisyales at mga miyembro nito. Tatalakayin din dito ang kahalagahan ng nilalaman ng kani-kanilang mga by-laws at artikulo ng isang kooperatiba at ang internal control system nito.  Nagtapos ang pagsasanay noong Hulyo 14 (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s