Tagalog news: WESCOM, pinuna ang pangangalap ng bagong miyembro ng MNLF sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 17 (PIA) — Naglilikha ng pangamba sa mga mamamayan ang ginagawang panghihikayat ng mga bagong miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa lalawigan ng Palawan. Ito ang tinuran ni Captain Cherryl Tindog, tagapagsalita ng Western Command (WESCOM) sa panayam ng Philippine Information Agency (PIA).

Ani Tindog, noong unang quarter pa lamang ng taon, nakarating sa WESCOM ang ulat hinggil sa ginagawang paghihikayat ng MNLF na aniya ay may hindi magandang epekto sa kapayapaan dahil sa nagreresulta ito ng pagkabahala sa mga residente ng lalawigan.

Base sa ulat, nakikita ang presensya ng MNLF na nanghihikayat sa mga bayan ng Aborlan, Rizal, Quezon, Bataraza sa katimugang bahagi ng lalawigan, ilang barangay ng Puerto Princesa maging sa Taytay at El Nido sa norte.

“Ang mga ginagawa nilang recruitment ay paglabag sa peace process, maging ang pag-o-offer nila ng baril, uniform at pagtatayo ng kampo sa ilang komunidad”, ani Capt. Tindog.

“May mga letter din silang ipinakakalat na makikitang pirmado ni Chairman Nur Misuari”, ani pa ni Tindog.

Samantala, itinanggi naman ng mataas na lider ng MNLF sa lalawigan na si Estino Jairie Ayyobie na mula sa kanilang pangkat ang nagsasagawa ng recruitment.

“Sa peace agreement, bawal recruitment ng new members, ino-observe namin ‘yan, pero sa peace process pinapayagan lang kami sa reactivation ng mga dating members pati na educational orientation”, paliwanag ni Ayyobie sa pakikipag-ugnayan ng PIA.

Nahahati sa dalawang pangkat ang MNLF. Ito ay ang grupo ni MNLF Prof. Nur Misuari at ang MNLF (Central Committee) na pinamumunuan ni Yusop Jikiri, dating gobernador ng lalawigan ng Sulu. Sa pangkat na ito ni Jikiri napapabilang ang si Ayyobie.

Ani pa ni Ayyobie, mas makabubuting maiparating ang impormasyong ito sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) upang mabigyang linaw ang matugunan ang nabanggit na usapin dahil labag ito sa pangkapayapaang kasunduan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s