Tagalog news: Odiongan MPS, naghandog ng libreng gupit, pagkuha ng blood pressure, meryenda

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 17 (PIA) — Ang mga pamunuan ng Odiongan Municipal Police Station ay nagkaloob ng libreng gupit, libreng pagkuha ng blood pressure at libreng meryenda sa 35 kataong napadaan o bumisita sa kanilang tanggapan noong Hulyo 10.

Ayon kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., chief of police ng nasabing istasyon, ito ay bahagi ng kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 22nd Police Community Relations Month ngayong taon.

Ang 35 kataong naserbisyuhan ng kapulisan ay mga bata, estudyante, matanda at tricycle driver mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Odiongan.

Kaugnay rin nito, ang mga tauhan ng Odiongan MPS ay namigay ng mga babasahin patungkol sa Anti-Illegal Drugs Campaign ng Philippine National Police, Project Double Barrel Reloaded at Anti-Illegal Gambling.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong paigtingin ang magandang relasyon ng komunidad at ng mga kapulisan.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s