Tagalog news: MARINA, target na maglagay ng 2 satellite office sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 17 (PIA) — Target ng Maritime Industry Authority (MARINA) na maglagay ng dalawa pang satellite offices sa Palawan bago matapos ang 2017.

Ito ang inihayag ni MARINA Regional Director Atty. Mark Anthony Pascua sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan kahapon.

Ani Atty. Pascua, balak nila na maglagay ng satellite office sa bayan ng Coron at El Nido, kung saan nandito ang maraming mga bangka na kailangang maiparehistro sa MARINA upang maging legal ang kanilang pagbibiyahe sa karagatan, partikular na ang mga nagsasakay ng mga pasahero.

Sa kasalukuyan ani Atty. Pascua, tanging sa lungsod ng Puerto Princesa lamang may tanggapan ng MARINA at napakahirap para sa mga empleyado nito ang umikot sa buong lalawigan para lamang mairehistro ang mga bangka.

Layunin din aniya ng paglalagay ng satellite office ng MARINA sa El Nido at Coron na mapabilis ang pagproseso ng mga papeles sa rehistrasyon ng mga bangka. Isa umano sa mga inirereklamo ng mga aplikante sa MARINA ang mabagal na pag-usad ng mga papeles sa aplikasyon ng rehistrasyon ng mga ito.

Dagdag pa ni Atty. Pascua na kaya bumabagal ang proseso ng registrasyon ng mga bangka ay dahil sa sobrang dami ng mga aplikante mula sa buong Rehiyon IV na kinabibilangan ng mga probinsiya ng Calabarzon at Mimaropa Region.

Isa pa umano sa sanhi ng pagbagal ng proseso sa pagrehistro ng mga bangka ay ang kawalan pa ng sariling MARINA-Mimaropa Regional Office, dahil sa ngayon ay buo pa ang MARINA-Region IV Office na nakabase sa Batangas.

Kaya sa pamamagitan ng paglalagay ng dalawa pang satellite office ng MARINA sa Palawan ay maiibsan na ani Atty. Pascua ang problemang kinakaharap ng mga nagpaparehistro ng kani-kanilang mga bangka sa Palawan. (OCJ/PIA-MIMAROPA/Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s