Tagalog news: LGU Odiongan, namahagi ng school supplies sa Progreso Este Elementary School

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 17 (PIA) — Ang mga mag-aaral sa Progreso Este Elementary School ay nakatanggap ng libreng kagamitang pang-eskwela, mga damit, accessories at mga laruan mula sa pamahalaang bayan ng Odiongan.

Ayon kay Mayor Trina Firmalo-Fabic, ang pagbibigay ng mga libreng school supplies at iba pang kagamitan ay isa sa mga adhikaing isinusulong ng lokal na pamahalaan upang makatulong sa mga bata at sa mga magulang na nakakaranas ng kahirapan sa panahong ito.

Ang mga school supplies, damit at laruan ay kaloob ng mga empleyado ng munisipyo sa pamamagitan ng “Ukay Ukay sa Munisipyo” bilang inisyatibo upang makakalap ng donasyon.

Ang Progreso Este Elementary School ay isa aniya sa pinakamalayo na pampublikong paaralan sa kabayanan ng Odiongan kung kaya sinisikap ng kanyang tanggapan na mabigyan ng ayuda ang mga mag-aaral dito.

Balak ng LGU Odiongan na gawin din ito sa iba pang paaralan upang mas higit na maraming estudyante ang maabutan ng tulong ng pamahalaan.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s