Tagalog news: Koleksyon ng basura sa Puerto Princesa, isasa-pribado

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 17 (PIA) — Sa pamamagitan ng isang resolusyon, ipinanukala ng sangguniang panglungsod na gawing prlocaibado ang pangongolekta ng basura sa Puerto Princesa.

Ang panukala ay iniakda ni Konsehal Gregorio Ventura na humihiling sa punong ehekutibo na i-konsidera ang pagsasapribado pagdating sa koleksyon subalit ang pamamahala sa Sanitary Landfill ay mananatili sa pamahalaang lungsod.

Ito ang nakikitang paraan ng lokal na mambabatas upang matugunan ang isa sa mga pangunahing problema ng Solid Waste Management (SWM) sa lungsod partikular ang kakulangan sa kagamitan tulad ng truck at compactor.

Base sa resolusyon, makakatatulong din ito upang mapagaan ang responsibilidad ng lokal na pamahalaan sa pagmamantine ng mga kagamitan sa paghahakot na nagiging dahilan kung bakit hindi nakokolekta ng maayos ang basura sa mga pangunahing lugar ng siyudad tulad ng mga urban at komersiyo.

Ayon sa CSWM, sa kasalukuyan ay umaabot sa 128 tonelada ang dami ng basura na kanilang nahahakot araw-araw, na tumaas ng bahagya kumpara sa nakalipas na taon.

Nakasaad sa panukalang resolusyon na ang pagsasapribado ng pangongolekta ay kasalukuyan nang ipinatutupad sa halos lahat ng mga siyudad lalo na sa mga highly-urbanized sa bansa sapagkat malaking bentahe ito sa panig ng mga lokal na pamahalaan, subalit kinakailangan lamang tiyaking may malinaw na kasunduan ukol dito.

Samantala, aprubado na ng sangguniang panlungsod ang nasabing resolusyon matapos na mailatag sa plenaryo sa regular na sesyon ng konseho kamakailan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s