Tagalog news: UP Singing Ambassadors, nagtanghal sa bayan ng Alcantara at Odiongan

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 17 (PIA) — Ang UP Singing Ambassadors ay bumisita noong nakaraang linggo sa lalawigan ng Romblon at matagumpay na nagtanghal sa bayan ng Alcantara at Odiongan.

Ang “Harana para sa Kasimanwa-Romblon” (Lakbay Musika) ay na-organisa sa tulong ng Municipal Tourism Office ng dalawang nabanggit na bayan.

Ang unang pagtatanghal ng UP Singing Ambassadors ay ginanap sa public auditorium sa bayan ng Alcantara at ang ikalawang pagtatanghal nito ay ginanap naman sa covered court ng Odiongan, Romblon.

Ang palabas ay libreng napanood ng mga residente ng Alcantara at Odiongan at dinagsa rin ito ng iba pang manonood mula sa mga karatig bayan.

Labis ang kasiyahan ng mga nakapanood dahil sa magagandang awitin at kundiman na kanilang napakinggan mula sa UP Singing Ambassadors na tila ba dinuduyan at hinihele sila ng malamyos na tinig ng mga mang-aawit na ito. (DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s