Tagalog news: Pamahalaang bayan ng Romblon, nagsagawa ng OPLAN: Linis Sapa

ROMBLON, Romblon, Hulyo 14 (PIA) — Ang mga kopisyal at empleyado ng pamahalaang bayan ng Romblon ay nagsagawa kamakailan ng OPLAN: Linis Sapa sa mga pangunahing daluyan ng tubig sa bayan ng Romblon.

Layunin ng aktibidad na ito na malinis at matanggal ang mga bumabarang basura  sa mga sapa kapag bumubuhos ang ulan upang maiwasan ang pagbaha lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Mayor Mariano Mateo, malaki na aniya ang ibinababaw ng mga sapa kaya madaling umapaw kapag may malakas na pagbuhos ng ulan. Dahil dito, inatasan niya ang lahat ng mga kawani ng LGU Romblon na sama-samang maglinis sa mga sapa at tanggalin ang iba’t ibang uri ng basura upang mabilis na makadaloy ang tubig ditto sa tuwing umuulan.

Naging mabilis naman ang ginawang paglilinis ng mga tauhan ng munisipyo kung saan nakakolekta ang mga ito ng sako-sakong basura mula sa mga sapa.

Lumahok din sa malawakang paglilinis ang mga kawani ng Romblon Police Provincial Office at Romblon Municipal Fire Station.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s