Tagalog news: ‘Capitol Caravan’ ng pamahalaang panlalawigan ng Romblon, tutulak sa Sibuyan island

ROMBLON, Romblon, Hulyo 14 (PIA) — Pangungunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Romblon ang pagsasagawa ng apat na araw na free medical mission, dental mission, gupitang bayan, dog immunization, tax information campaign at PhilHealth membership registration sa isla ng Sibuyan.

Ang “Capitol Caravan” ay isasagawa simula ika-11 hanggang ika-14 ng Hulyo sa Magdiwang, San Fernando at Cajidiocan, mga bayang nakabase sa isla ng Sibuyan upang matulungan ang mga mahihirap na Sibuyanon na nangangailangan ng serbisyong medikal at iba pang uri ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Pangungunahan ni Governor Eduardo C. Firmalo ang pagbibigay ng libreng konsultasyon sa mga pasyente sa gaganaping medical at dental mission sa tatlong bayan at makakatuwang rin nito ang mga kawani ng iba’t ibang departamento ng kapitolyo para sa iba pang uri ng serbisyo.

Ayon sa goberrnador, ang ganitong uri ng aktibidad ay pagpapakita ng malasakit sa mga taga-Sibuyan upang maramdaman ng mga residente dito ang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan.

Nananawagan ang punong lalawigan sa mga taga-Sibuyan na samantalahin ang ganitong uri ng aktibidad upang matugunan ng kanyang pamunuan ang mga idudulog nilang pangagnagailan sa  “Capitol Caravan.”(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s