Tagalog news: 48 tobacco farmers ng San Jose, tumanggap ng ayuda

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hulyo 14 (PIA) — Tumanggap ng ayuda mula National Tobacco Administration (NTA) ang 48 magtatanim ng tabako sa bayan ng San Jose kamakailan.

Ito ay sa ilalim ng Integrated Farming and other Income Generating Activity Project ng NTA.

Ayon kay Violeta Gayona, Tobacco Production Regulation Officer ng NTA, layunin ng proyekto na matulungan ang mga magtatanim ng tabako na magkaroon ng karagdagang pinagkakakitaan. Ang mga magsasakang nakinabang sa ayudang ito ay mula sa barangay Murtha, La Curva, Camburay, Bayotbot at San Isidro.

“Pinapautang ang mga deserving tobacco farmers ng certified seeds at mga fertilizers”, saad naman ni Yolanda Espeleta, kawani ng NTA. Ipinaliwanag nito na pumipili kada taon ang ahensya ng mga magtatanim ng tabako na may magandang record sa pagbabayad.

Ang mga fertilizers na tatanggapin ng mga benipisyaryong magsasaka ay apat na bags ng 16-20-0, apat na bags ng organic fertilizer, dalawang bags ng 0-0-50 at tatlong bags ng 21-0-0. Nagkakahalaga ang 13 bags ng pataba ng P11,010. May kalakip ding cash na P7,600 na tatanggapin ang mga benepisyaryong magsasaka bilang pambili ng certified seeds at renta sa gagamiting makinarya sa kanilang pagsasaka. Babayaran ang kabuuan ng nahiram na halaga (P18,610) sa kanilang pag ani sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

Dagdag naman ni Gayona, mapapansin na kahit palay ang itatanim ng mga magtatabako ay hindi gumagamit ang mga ito ng urea. “May sariling teknolohiya sa pagamit ng pataba ang NTA”, paglalahad ni Gayona. Kumpara sa karaniwang magsasaka, hindi gumagamit ng urea ang mga magtatabako upang hindi mabago ang kalidad ng lupa na nakalaan talaga sa pagtatanim ng tabako.

Samantala, pansamantalang ititigil ang pagtatanim ng tabako sa lalawigan ngayong taon dahil sa pagsasara ng tanggapan ng Philip Morris sa Occidental Mindoro sa di pa malinaw na dahilan. Ayon sa NTA, isinasagawa ng ahensya ang mga kaukulang pakikipagusap sa mga posibleng kumpanya na magpapatanim at mamimili ng tabako sa lalawigan.

Ang industriya ng pagtatanim ng tabako ay hindi lamang malaking tulong sa mga magsasaka kundi gayundin sa buong lalawigan dahil sa tinatanggap na tobacco excise tax mula sa pamahalaan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s