Tagalog news: 120 Special Civil Armed Auxillary nagtapos ng pagsasanay sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 14 (PIA) —- Karagdagang 120 miyembro ng Special Civil Armed Auxiliary (SCAA) ang nagtapos sa Basic Military Training kahapon matapos ang apat na buwan.

Ang programang ito ay magkatuwang na itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng Western Command (WESCOM) upang tumulong sa pananatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Palawan.

Ginanap ang seremonya ng pagtatapos sa Victoriano J. Rodriguez Multipurpose Hall sa pangunguna nina Gob. Jose Ch. Alvarez at WESCOM Commander Lt. Gen. Raul del Rosario.

Ang mga nagsipagtapos na kabilang sa Class 01-2017 ay magiging kaanib na rin ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o CAFGU sa Palawan. Nakatakdang italaga ang mga ito sa southern Palawan para sa pananatili ng seguridad dito.

Ayon kay Lieutenant General Raul L. del Rosario, napapanahon ang pagtatapos ng CL 01-2017 dahil na rin sa maraming proyekto ang pamahalaan sa lalawigan na dapat mabantayan. Kanyang pinaalalahanan ang mga nagsipagtapos na magserbisyo ng tapat at may integridad sa kanilang tungkulin.

Ayon naman kay Gob. Alvarez, titiyakin ng pamahalaang panlalawigan na tatanggap ng kaukulang benepisyo ang mga miyembro ng SCAA maging ang kanilang mga kaanak tulad ng libreng pagpapagamot at pagpapa-ospital kung kinakailangan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s