Tagalog news: Simulation exercise on hostage taking, isinagawa ng Odiongan MPS, Romblon PPSC

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 13 (PIA) — Ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station (MPS) at Romblon Provincial Public Safety Company (RPPSC) ay matagumpay na nagsagawa kamakailan ng simulation exercise on hostage taking bilang pagtalima Condition Situation Response System (CSRS) ng Philippine National Police (PNP).

Bago isinagawa ang simulation exercise ay nagpulong muna sina Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., chief of police ng Odiongan MPS at Police Supt. Ariel Celino, commanding officer ng RPPSC upang planuhing mabuti ang magiging scenario ng naturang aktibidad na ginanap sa Odiongan town plaza.

Ang scenario, kunwari may isang pick-up truck na mayroong apat na kataong sakay at nakaparada sa harap ng Jollibee fast food chain kung saan ito ay na-hijack ng galit at armadong Police Officer. Dahil sa sobrang galit ng pulis, gumawa ito ng iskandalo at dinala nito ang sasakyan sa loob ng public plaza at inanunsyong papatayin niya isa-isa ang mga sakay ng sasakyan kung hindi pagbibigyan ang kanyang mga demands.

Isa naman kunwari na kawani ng Odiongan MPS ang nagsasagawa ng pagpapatrolya malapit sa Jollibee ang nakatunog sa pangyayari at agad na tumawag sa istasyon ng pulisya para i-report ang insidente at humingi ng ayuda sa kanyang mga kasamahan para mapigilan ang nangyayaring hostage taking sa plaza.

Agad namang tumawag ang chief of police ng Odiongan MPS sa Provincial Director ng Romblon PPO at commanding officer ng Provincial Public Safety Company para iparating sa kaalaman ng mga ito ang nagyayaring hostage crisis sa kanyang nasasakupan at humingi ng suporta kaugnay sa nangyaring insidente.

Kasunod nito ay nag-utos ang hepe ng Odiongan MPS na magdagdag ng mga tauhan sa lugar para i-isolate ang crisis area o makordonan ito laban sa mga nag-uusyuso.

Agad ding nagtayo ng Incident Command Post ang Odiongan MPS at nakipag-ugnayan sa ilang negotiating team, Special Weapons and Tactics Team (SWAT), Security Team, Medical Team, Intelligence/Investigation Team, Public Information Officer (PIO), Police Community Relation Team (PCR), Logistics, at iba pang miyembro ng Odiongan Emergency Services.

Nakipag-ugnayan ang negotiating team sa suspek para mag-offer ng win-win solution ngunit nabigo sila kaya naghanap ulit ng paraan ang mga nasa Incident Command Post.

Mas lalo pang naging agresibo ang suspek, kaya dito na umaksyon ang ang sniper, nagpaputok ito patungo sa suspek kung saan ilang segundo pa’y gumalaw na ang mga tauhan ng SWAT para sa quick assault at pag-aresto sa hostage taker.

Matagumpay na nailigtas ang mga hostages habang na-neutralized naman ang nang-hostage na pulis.

Batay sa ginawang assessment ng mga evaluator, batay sa kanilang obserbasyon ay naging makatotohanan ang pangyayari at mabilis na naaksiyunan ang krisis kung kaya mataas na grado ang kanilang ibinigay sa mga tauhan ng Odiongan MPS at RPPSC.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s