Tagalog news: Kitchen Incubator, ipinagkaloob ng DOST–PSTC Romblon sa Odiongan NHS

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 13 (PIA) — Pormal ng ipinagkaloob ni Provincial Science and Technology Director Lina Servanez ang kitchen incubator para sa Odiongan National High School.

Personal naman itong tinanggap ni Noel Joseph M. Machon, principal ng Odiongan National High School (ONHS) kung saan naging saksi sa turn-over ceremony si Edgar Firmalo, school head ng Odiongan South Central School.

Ayon kay PSTD Servañez, ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng Grants-in-Aid (GIA) program ng Department of Science and Industry (DOST).

Aniya, ito rin ang kauna-unahang kagamitan sa kusina na masusubukan ng mga estudyante at guro sa kanilang pagsasanay o pagtuturo.

Ayuda ito ng DOST sa Department of Education para sa pagpapatupad K-12 program nito upang mapasigla ang entrepreneurship, maihanda ang mga kabataan sa pagnenegosyo at mapaghandaan ang kanilang kinabukasan.

Ang proyekto ay naglalayon rin na matulungan ang mga micro and small enterprises (MSMEs) sa lalawigan gamit ang bagong kagamitan na kitchen incubator.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s